Advertisers

Advertisers

DOJ dumistansya sa tensyon sa pagitan nina PBBM at Digong

0 8

Advertisers

INIHAYAG ng Department of Justice (DOJ) na hindi makikialam ang ahensya sa tensyon sa pagitan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ito ni DOJ Spokesperson Mico Clavano nang tanungin kung maaari bang makasuhan si Duterte dahil sa mga akusasyong binitiwan niya kaugnay sa iligal na droga noong Linggo laban kay Pangulong Marcos.

Ayon kay Clavano, hindi nila prayoridad sa ngayon ang makisali sa isyu dahil maraming inaasikasong kaso ang DOJ.



Sa ngayon ay nakatutok aniya ang ahensya sa mga reporma ng DOJ at Bureau of Corrections (BuCor), partikular ang decongestion o pagpapaluwag ng mga kulungan, na isa sa plano ng administrasyon.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">