Advertisers
UMISKOR si Ben Simmons ng 10 points,11 assists at eight rebounds sa kanyang pagbalik mula sa 38-game absence, Mikal Bridges nagdagdag ng 33 points para tapusin ng Brooklyn Nets ang Utah Jazz 147-114 sa New York Martes.
Simmons ay hindi nakapaglaro simula noong Nobyembre 6 dahil sa pinched nerve sa kanyang lower back. Ang No.1 pick sa 2016 draft ay naglaro 18 minutes off the bench.
Cam Thomas nagdagdag ng 25 points para sa Nets, na nagtala ng pinakamataas na puntos sa season, na may 41 assists sa kanilang 54 field goals at kumana ng 21 three pointers.nagwagi ng dalawang sunod-sunod matapos mabigo ang pito sa kanilang nakaraang eight games.
Keyonte George umiskor ng 21 points para sa Jazz.
Sa Oklahoma City, Anthony Edwards umiskor ng 27 points para tulungan ang Minnesota na durugin ang Oklahoma City para makuha ang nag-iisang pag-aari sa top spot ng Western Conference.
Karl-Anthony Towns may 21 points at 10 rebounds,habang si Rudy Gobert nagdagdag ng 12 points at 17 rebounds para sa Minnesota,na nabigo ang tatlo sa limang sabak.
Shai Gilgeous-Alexander umiskor ng 37 points at Jalen Williams nagdagdag ng 20 para sa Thunder.
Sa Miami, Eric Gordon nagtala ng 23 points,devin Booker may 22 upang buhatin ang Phoenix at iabot sa Miami ang kanilang ika-pitong sunod-sunod na kabiguan.
Kevin Durant umiskor ng 20 at Bradley Beal may 19 para sa Suns, na 8-2 sa kanilang huling 10 games at winalis ang Heat sa ikalawang pagkakataon sa huling 17 seasons.
Jimmy Butler kumamada ng 26 points para sa Miami,na 24-16 at fifth sa Eastern Conference sa nakalipas na dalawang Linggo.