Advertisers

Advertisers

Para-athlete Adeline Dumapong nagretiro na sa powerlifting

0 91

Advertisers

INANUNSYO ni Para athletes Adeline dumapong – Ancheta ang kanyang pagretiro sa powerlifting Miyerkules.

Ang native ng Kiangan,Ifugao province ay naging tanyag ang kanyang career, tampok ang pagsungkit sa kauna-unahang medalya para sa bansa sa Paralympic Games na kanyang napanalunan na bronze sa Sydney,Australia noog 2000.

“I have been a national para powerlifter for 25 years. Having reached the age of 50, it’s time to park the barbel and weights in their rack,” Wika ni Dumapong-Ancheta, na dinapuan ng polio ng siya ay 3 taong gulang.



Sa kanyang liham sa Philippine Sports Association for the Differently-Abled (PHILSPADA) president Michael Barredo, sinabi ng five-time Paralympian na siya ay habang buhay na nagpapasalamat sa mga pagkakataon na ibinigay sa kanya upang pagsilbihan ang bansa bilang para-athlete.

“It has been a great honor and privilege to have represented our country in many international competitions. It is also with pride and pleasure that I have witnessed how PHILSPADA evolved as an organization and triumphantly surmounted challenges over the years to give the best .



Pinasalamatan ni Barredo si Dumapong -Ancheta, sinabi na ang kanyang contributions” “have helped shape para sports in the Philippines and paved the way for the next generation of para-athletes.”

“You have shown us that disabilities are challenges meant to be faced head-on with neither fear nor reservation. Indeed, your journey has been long and difficult, but never impossible,” dagdag nya.



Dumapong-Ancheta ay naging miyembro ng national team noong 1999, at sa parehong taon nagwagi ng silver medal (+85kg) sa Far East and South Pacific Games para sa Disabled (FESPIC). nakakuha ng panibagong silver sa susunod na edition ng FESPIC Games, sa kanyang pagsimula sa Asian Para Games.

Nagbulsa siya ng two-silvers (2010 Guangzhou at 2014 Incheon) at bronze (2018 Jakarta) sa Asian Games, habang sa ASEAN Para Games, nagwagi siya ng five golds (2005 Manila, 2008 Nakhon Ratchasima, 2011 Jakarta, 2015 Singapore, at 2017 Kuala Lumpur) at three silvers (2022 Surakarta, 204 Naypyidaw, at 2001 Kuala Lumpur).

Nagwagi rin si Dumapong-Ancheta ng gold medal sa Asian Powerlifting Open Championship (2007 Manila), Malaysian Paralympiad (2000 Kuala Lumpur), at Asian Benchpress Championships (1999 Manila).