Advertisers

Advertisers

Trabahador na tirador ng karne timbog

0 46

Advertisers

ARESTADO ang isang tauhan ng isang kilalang Food and Beverage company habang pinaghahanap ang kasapakat nito makaraang magpuslit ng 25 kilos ng hilaw na karne sa pamamagitan ng pagtapon nito sa bakod sa Gen Trias City Cavite, Martes ng madaling araw.

Kasong ‘Qualified Theft’ ang kakaharapin ni alyas “Lord”, 24 anyos, sanitation crew ng Purefoods Hormel sa Barangay San Francisco, Gen. Trias City.

Sa ulat ni Corporal Ruelord Magbitang ng Gen Trias City Police Station, nakatanggap ng impormasyon ang mga guwardiya ng nasabing kompanya hinggil sa aktibidad ni Lord, at nagpositibo ito nang maaktuhan na tumangay ng 25 kilong karne at itinapon nito sa kabilang bakod kungsaan may nag-aabang na kasamahan nito 3:07 ng madaling araw.



Nakita rin ng mga guwardiya ang mga kasamahan nito na nagsipagtakbuhan at hindi na nila nahabol.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">