Advertisers
NAILIGTAS ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang dalawang mangingisda nang lumubog ang kanilang bangka sa karagatan sakop ng Barangay Cantagda, Cajidiocan, Romblon.
Ang mga mangingisda ay nakilalang sina Edgardo Lozano at Harry Lozano, kapwa residente ng Barangay Maragondon.
Kuwento ng mga biktima, nabangga sila ng isang butanding habang nasa kalagitnaan ng paglalayag.
Agad na dinala ang dalawa sa Barangay Danao, habang nahatak ang kanilang lumubog na bangka ng bangkang FBCA John Glemen.
Nasa maayos nang kalagayan ang mga mangingisda na nakauwi na rin sa kanilang pamilya.(Jocelyn Domenden)