Advertisers

Advertisers

Testimonya ni Arturo Lascañas vs Duterte pinag-aaralan na ng ICC

0 42

Advertisers

INIEKSAMIN na umano ng International Criminal Court (ICC) investigators ang affidavit ng retiradong police officer na si Arturo Lascañas na nag-uugnay kay dating Presidente Rodrigo Duterte sa mga pagpaslang, kabilang sa mga miyembro ng media, nung alkalde pa ang huli sa Davao City mula 1988 hanggang 2015.

Ibinunyag ito ni Lascañas, umaming dating lider ng Davao Death Squad (DDS), sa Zoom interview ng Justice beat reporters nitong Miyerkules.

“We were tasked with killing thousands in Davao City and nearby areas from 1988 until I left the group in December 2016. Initially, we targeted petty criminals, but it later escalated to personal rivals, business competitors, or political critics, such as broadcaster Jun Pala, whom Mayor Duterte, also known as ‘Superman’, ordered us to eliminate,” sabi ni Lascañas mula sa pinagtataguan sa ibang bansa.



“Often, Mayor Duterte, Sonny Buenaventura (head operation ng DDS), Bong Go (aide ni Duterte), Bato dela Rosa (dating Chief of Police ng Davao City) directly instructed us. We were the executioners of Davao City, and our mastermind was Rodrigo Roa Duterte,” pagpatuloy ni Lascañas.

Noong 2017 Senate hearing on drugs and public order, si Lascañas, under oath, ay nagsabing pumatay sila ng halos 200 katao at nakatanggap ng milyon-milyong pisong suhol mula kay Duterte.



Pinabulaanan naman noon ni Duterte ang mga testimonya ni Lascañas, sinabing ito’y “fabrication” lamang.

Ang Davao Death Squad umano ay binubuo ng mga ekspertong anti-crime police units at dating mga militante.



Sa Zoom interview, humingi uli ng tawad si Lascañas sa mga pamilya ng kanilang mga pinaslang, hiniling na bigyan siya ng oportunidad na magbago (sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa ICC para mabigyan ng hustisya ang mga biktima).