Advertisers
KAHINDIK-HINDIK na kamatayan ang sinapit ng isang tiyuhain nang pagtatagain at pugutan ng ulo ng pamangkin na bangag sa droga sa Daanbantayan, Cebu nitong Lunes.
Kinilala ang nasawi na si Cristitulo Broñona Casinillio, 62 anyos, binata; at ang salarin ay ang pamangking si Jorge Camay Casinillio, nasa hustong gulang, kapwa residente ng Sitio Malaumon, Barangay Tinubdan, ng nasabing bayan.
Sa imbestigasyon ni Police Sr. Master Sgt. Alfredo Mandal, chief investigator ng Daanbantayan Municipal Police Station (MPS), naganap ang insidente 8:00 ng umaga.
Kasalukuyan umanong hinihimas ng biktima ang alagang manok nang lapitan ito ng pamangkin na armado ng dalawang itak at walang sabi-sabing pinagtataga ang tiyuhin.
Hindi pa nakuntento, pinugot pa ng pamangkin ang ulo ng tiyuhin hanggang sa magkapira-piraso ang katawan nito bago mabilis na tumakas.
Sumuko sa pulisya ang salarin.
Base sa initial na imbestigasyon, naghihinala ang salarin na karibal niya ang kanyang tiyo sa kanyang girlfriend.
Sinasabi rin sa ulat na nasa impluwensya ng iligal na droga ang salarin nang isagawa ang krimen.
Nakakulong ang salarin sa Daanbantayan MPS.