Advertisers

Advertisers

Pagbuwag sa Task Force Davao ‘di totoo – AFP

0 11

Advertisers

MARIING pinabulaanan ng Armed Forces of the Philippine (AFP) ang napaulat na pagbubuwag ng Task Force Davao.

Ito’y sa gitna ng lumulutang na balita na bubuwagin na ito dahil sa pagiging loyalista ng naturang Task Force kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay AFP PAO Chief Col. Xerxes Trinidad, walang direktiba para buwagin ang nasabing task force dahil wala namang nakikitang pangangailangan para ito ay buwagin.



Dagdag pa ni Trinidad, nagulat sila sa lumabas na balita at blanko sila sa pinagmulan nito.

Samantala, sinabi naman ni AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla na ang pagpunta ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. sa mga kampo militar sa Mindanao nitong Sabado at Linggo ay para sa humanitarian missions at kumustahin ang lagay ng tropa ng militar doon.



Ang Task Force Davao ay main unit ng Joint Task Force Haribon na epektibo sa kampanya laban sa terorismo at pagpapanatili ng kapayapaan, seguridad at development sa Davao City.

Nauna rito, inihayag ni Harry Roque na nakakalap umano siya ng balita na ang Task Force Davao ay bubuwagin na. (Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">