Advertisers

Advertisers

Inflation bumagal sa 2.8% noong Enero

0 12

Advertisers

INIULAT ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumagal ang inflation o ang bilis o bagal ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo noong Enero ng kasalukuyang taon.

Ayon kay PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, bumagal sa 2.8% ang inflation noong unang buwan ng 2024 kumpara sa 3.9% na naitala noong Disyembre ng nakalipas na taon.

Ito ay pasok sa naging pagtaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na 2.8% hanggang 3.6%.



Matatandaan na naitala ang pinakamataas na inflation noong Enero 2023 na nasa 8.7% mula sa nakalipas na 14 na taon dahil sa labis na pagsipa noon ng presyo ng sibuyas at asukal.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">