Advertisers

Advertisers

MIFF organizers kinukuwestyon ang pag-isnab kay Boyet bilang nominado sa best actor

0 18

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

MAY mga pumalag sa katatapos lang na MIFF or Manila International Film Festival.

Nahaharap ngayon ang organizers ng  MIFF sa ilang pagkuwestyon.



Kahit ang netizens ay takang taka kung bakit at paano raw nangyari na isa sa inaasahan nila ay hindi nakapasok para ma-nominate.

Yes, laglag at di kasama si Christopher De Leon para ma-nominado as Best Actor.

Pagtatanggol ng netizens na napakahusay ng pagkakaganap ni Boyet sa film na When I Met You In Tokyo.

Kaya naman ang organizers ng MIFF ay pinagpapaliwanag at kinukuwestyon bakit di nila naisama as nominado sa kategoryang Best Actor si Boyet.

Kitang-kita raw ang pambabastos sa batikang aktor.



Okey din naman at napakahusay ng aktingan ng napili nilang nominado sa pagka-Best Actor na nagwagi at nag tie pa sa MIFF na sina Piolo Pascual at Dingdong Dantes.

***

Kris Bernal ibinahagi ang pagpupuyat sa kanyang baby

SA post sa IG ni Kris Bernal ay ibinahagi nito ang kanyang pag- aalaga sa kanyang anak na si Baby Hailee.

Sa pagse-share sa socmed ni Kris ikinuwento nito na kapag nagwiwi na raw ang kanyang baby ay nagigising na siya.

Sa pagpapalit naman nito ng diaper at pagpapa-breast feeding ay doon na nga raw nagsisimula ang pagpupuyat ng aktres.

Sa disoras ng gabi ay saka raw alive na alive si Baby Hailee.

Super energetic umano nito as in ayaw na matulog.

Wala naman daw problema kung napupuyat man si Kris sa pag-aalaga sa kanyang dyunakis.

Well, well, well…. ‘Yun na!