Advertisers

Advertisers

Nadine mas feel ang 30 years old kesa nung 20 years siya

0 3

Advertisers

Ni Beth Gelena

Ayon sa award-winning actress Nadine Lustre ang edad mas gusto niya ang edad 30 kaysa 20.

Lubos daw niyang ini-enjoy ang kanyang edad 30 dahil mas naiintindihan daw na ngayon ang kanyang sarili.

“Ang pagtanda ay hindi lamang nagdudulot ng mga pagbabago sa hitsura. Maaari rin itong kaakibat ng higit na pagkilala sa sarili, kumpiyansa, at mas malalim na pag-unawa sa kung sino tayo at kung ano ang tunay nating gusto sa buhay,” aniya sa isang panayam.

Sa panayam ng ABS-CBN, ibinahagi ng aktres kung paano binago ng pagpasok sa isang bagong dekada ng kanyang buhay ang kanyang pananaw.

Para sa aktres, ang pagiging 30 ay hindi isang bagay na dapat katakutan kundi isang pagkakataon upang mas makilala ang kanyang sarili at maging mas kumpiyansa sa kanyang mga desisyon.

Mas nakilala na raw niya ang kanyang sarili ngayong 30 years old na siya.

Nung edad 20 raw niya, nakaranas siya ng malalaking milestone sa kanyang personal at propesyonal na buhay.

Sa edad 30 raw ay mas naging isang mas matibay ang pananaw niya sa buhay.

Esplika niya, “Maganda ang edad ko noong 20s pero mas gusto ko ang edad ko noong 30s. Mas gusto ko talaga [ito], dahil ngayon, 30s ko na kasi parang mas kalmado na ako. Mas kilala ko na ang sarili ko. Alam ko na ang gusto ko at ang ayaw ko,” aniya sa isang panayam ni Bianca Gonzalez sa Paano Ba ‘To?! podcast.

Binigyang-diin niya na ang edad 30 ay maaaring kaakibat ng mas mataas na pagkilala sa sarili at kumpiyansa.