Advertisers

Advertisers

Barbie ayaw mag-aksaya ng panahon sa manloloko

0 5

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

Binawi ni Barbie Forteza ang naging pahayag niya noon na nakikipag-date siya with the end goal na ang seryosong relasyon niya ay mauuwi sa pag-aasawa.

Sa panayam kay Boy Abunda, sinabi ng aktres na nagbago na ang kanyang pananaw.

Ito ay base na rin sa mga natutunan niya sa mga nirerespeto niyang tao pagdating sa pagpapatali.

“Actually, yes. I said that in an interview before having been schooled by a lot of our very respectable people out there with regards to marriage. And now, maybe I would like to take that back because I don’t—I mean, I’m not open to marrying anytime soon, even if I fall in love. So baka ‘date when I’m sure’ na lang. Pero hindi na parang to marry pa,” aniya.

Sa nasabing interview, nilinaw din niya ang naging stand niya tungkol sa hindi pagbibigay ng ikalawang pagkakataon sa mga lalakeng nanloloko.

“Siguro po sa akin, kasi the way I was raised is that pahalagahan mo ’yung sarili mo, and that’s what I did. So ini-spoil ko nga ’yung sarili ko. I treat myself out, ganyan. Kumbaga, gano’n ko kamahal ’yung sarili ko eh. So loving another person na hindi ko kadugo, hindi ko kaano-ano, wala akong obligasyon para doon sa taong ’yon, tapos niloko mo ako. Bakit? ’Di ba? Pinili kita. Hindi kita obligasyon, pero niloko mo ako. Bakit? Eh mahalaga ang oras ko, ang attention ko. Well, that’s just for me,” paliwanag niya.

“At saka ano lang po siya. Siguro, I guess, hindi lang cheating eh. Basta anything that would make me feel like I have been treated less,” dugtong niya.

Sa ngayon, happy daw si Barbie sa kanyang estado bilang single.