Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
MULI na namang pinatunayan ni Toni Gonzaga na isa siyang bankble star. Ang latest movie kasi niya na My Sassy Girl, na isang Pinoy adaptation mula sa 2001 hit South Korean romantic comedy film na pinagbidahan nina Jun Ji-hyun at Cha Tae-hyun, na siya mismo ang nag-produce mula sa kanyang TinCan, ay kumita ng 5.2million sa opening gross sales nito.
Ito ang inihayag ng Viva Films, na siyang distributor ng nasabing pelikula.
Siyempre pa, happy ang sikat na singer-actress-vlogger sa success ng kanyang latest movie. Kaya nagpapasalamat siya sa lahat ng nanood nito, lalo na sa kanyang mga tagahanga.
Nu’ng hindi pa pinapalabas ang My Sassy Girl, sinabi na namin dito sa aming kolum, na siguradong kikita ito. Wala pa kasing pelikula na nag-flop si Toni. Lahat ng pelikulang ginawa niya ay talagang pinilahan sa takilya. And in fairness sa My Sassy Girl, maganda ito. Sa trailer pa lang ng pelikula ay nakakatuwa na. What more sa kabuuan ng pelikula.
Hindi pa namin napapanood ang My Sassy Girl, pero talagang maglalaan kami ng oras na panoorin ito. Sabi nga ng mga kaibigan namin na nakapanood na nito, siguradong hindi raw masasayang ang ibabayad namin sa pelikula dahil sila raw ay nagustuhan ito at nag-enjoy sila sa panonood ng My Sassy Gir na mula sa direksyon ni Fifth Solomon.
***
GUSTUNG-GUSTO na talaga ng bunsong kapatid ni Toni na si Alex Gonzaga na mabuntis. Kaya naman tila nagpa-practice na ang magaling na TV host-comedienne -vlogger sa pagiging preggy sa kanilang magiging anak ng asawang si Mikee Morada.
Nag-post kasi ang nakababatang kapatid ni Toni sa kanyang Instagram account kamakailan ng isang video na may filter na nakapagpapalaki at nakapagpapaumbok ng tiyan para magmukhang buntis.
“Bagay naman diba kaya Lord kahit yung pwet nalang muna [laughing emoji]” pabirong sabi ni Alex.
Tanong ni Alex kay Mikee: Masaya ka ba sa boobs ko? Nagustuhan mo ilong ko?
Agad namang umani ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens ang naturang video ni Alex.
Marami sa madlang pipol ang naantig sa naging post ni Alex na matagal na ring nag-aasam na magkaroon ng baby.
“Nagpapaiyak ka naman mhie! Love you,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, ““Kahit yung kay Maam Alex nalang muna Lord okay pa ko kaya ko pa maghintay. Mas kaya na nya po bumuhay ng bata! Bigay nyo na po sa kanila ni Konsi!”
“Awwww [heart emoji] The Lord will hear your prayers my dear,” sey naman ng broadcaster na si Karen Davila.
Sabi naman ng isang netizen, “I can’t wait for that right time to come. Just be patient and let Almighty God give His blessing. Love you Alex! You’ll be a great parents.”
Hindi naman kaila sa madlang pipol ang pinagdaanang miscarriage ng TV host-actress.
Unang nakunan si Alex noong October 21 matapos magkaroon mg blighted ovum.
Ang recent miscarriage niya ay nangyari noong October 2023 sa kabila ng pagta-try nilang magbuntis sa pamamagitan ng in-vitro fertilization (IVF).
Pero ang maganda kay Alex, hindi niya sinisi ang Nasa Itaas nang makunan niya. Tinanggap niya yun nang maluwag sa dibdib. Naniniwala kasi siya, na hindi pa siguro time para magkaanak siya noon. Naniniwala naman ako na bibiyayaan pa rin ng anak sina Alex at Mikee in God’s perfect time, di ba?