Advertisers

Advertisers

ACT-CIS PARTYLIST REP. TULFO, DUMALO SA ‘KASALANG BAYAN’ SA PARAÑAQUE

0 54

Advertisers

HINDING-HINDI makalilimutan ng 50 magsing-irog ang pagdiriwang ngayon ng Araw ng mga Puso dahil ito rin ang takdang araw ng kanilang pag-iisang dibdib matapos na sumumpa ng katapatan sa isat-isa sa ginanap na Kasalang Bayan sa lungsod ng Paranaque.

Umaapaw ang kasiyahan ng 50 ‘loving couples’ nang magtungo sa Elorde Sports Complex, Sucat Road kung saan ang aktibidad na ito ay tradisyunal na programa ni Paranaque City 1st District Representative Gus Tambunting.

Si ACT-CIS Partylist Representative Erwin Tulfo ang panauhing pandangal at katuwang ni Tambunting na ninong o ‘Godfather’ ng Kasalang Bayan. Ang pinakabata na magsing-irog ay sina Jan Simon C Rapas,26 at Janisa L. Francisco,24, pawang taga-barangay SMDP .



Ang pinakamatanda naman na ikinasal ay sina Rogelio Gemao Jr,45 at Maria Elena T Guirat,53, pawang taga-barangay Merville. Ang iba naman sa ‘loving couples’ ay mayroon nang limang anak kaya’t nangako si Tambunting na magbibigay ng 3 libong piso para sa kanila.

Sa mensahe ni Tulfo , ang kailangan sa pagsasama ng mag-asawa ay mahaba ang pasensya at tiwala dahil kailangang-kailangan ito upang lalong tumibay ang pundasyon ng kanilang pamilya. Kailangan ding ibigay ang sweldo ng lalaki sa kanyang misis.



“Ang punto ko lamang po para tumagal ang inyong pagsasama ay pasensya po tama si Congressman Joy, kailangan po pasensya ang mga babae, sa mga lalaki naman ho ay kailangan natin ang respeto at pagmamahal.” ani Tulfo

Ang Kasalang Bayan ay pinangunahan ni Paranaque City Mayor Eric Olivarez kasama ang ilang City Councilors, mga Barangay Chairman at political leaders ng nasabing lungsod. (JOJO SADIWA with Photos by CESAR MORALES)