Advertisers

Advertisers

Drug pusher at ‘Alpha’ ng pulis nasawi sa engkwentro

0 31

Advertisers

NASAWI ang isang impormant ng mga pulis nang mabaril ng drug pusher sa engkuwentro sa Barangay San Vicente, Sta. Maria, Bulacan, Martes ng gabi.

Sa report ni Lt. Colonel Voltaire Rivera, kasalukuyang nagsasagawa ng surveillance ang mga pulis kasama ang kanilang “Alpha” na si Bernard De Guzman alyas “Nikki” nang makatunog ang target at agad nagpaputok ng baril, nagresulta sa pagganti ng putok ng mga pulis.

Agad napatay ang target na si alyas “Alexis”, nasa hustong gulang.



Sakay ng kulay itim na motorsiklong walang plaka si Alexis. Nakuha mula sa kanya ang isang medium plastic sachet ng shabu.

Isang kalibre .45 na baril at dalawang magazines na puno ng bala, isang weighing scale, isang cellphone at shabu paraphernalias ang nakuha kay Alexis. (Thony D. Arcenal)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">