Advertisers

Advertisers

Daniel pahinga muna ang buhay-pag-ibig, focus lang sa career

0 9

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA panayam kay Daniel Padilla pagkatapos ng renewal ng kanyang contract sa ABS-CBN at Star Magic, sinabi ng Kapamilya actor na pahinga muna ang love life niya.

Ito ay pagkatapos ng hiwalayan nila ng ex na si Kathryn Bernardo sa kanilang 11-year old relationship.



Hirit pa niya, ayaw din daw muna niyang maghanap ng ipapalit sa kanyang ex.

Utmost priority daw niya sa kasalukuyan ang kanyang trabaho.



Sey pa niya, malaking tulong din daw ang naging suporta ng kanyang pamilya in his dark days.

Katunayan, sobrang na-appreciate raw niya ang kanyang mga fan na nagpapahatid ng mensahe sa kanya, positive man o negative.



“That’s life. That’s balance. Hindi pwedeng lahat galit, hindi pwedeng lahat masaya. It’s a perfect balance. Ganu’n lang ‘yan,” ayon kay DJ.

“Kahit doon sa mga nag-move on na sa akin, it’s okay. Valid ‘yung nararamdaman nila sa akin.

“’Yung nararamdaman nila eh nararamdaman nila ‘yon at hindi ko na sila mapipigilan. At sa mga nandoon pa rin sa akin, I appreciate them very, very much. They know me. I don’t have to explain myself to them kilala nila ako,” pahabol niya.

Noong dumadaan daw siya sa matinding pagsubok at nahuhusgahan, doon din daw niya  nakilala ang mga tunay niyang kaibigan.

“Itong time zone na ‘to, ang dami lang ding nagpakilala. That’s beautiful. At least, ‘di ba? Talagang ano ‘to, eye-opening moment. Doon mo lang makikita,” bulalas niya.

Sa napakaraming lumabas na espekulasyon tungkol sa hiwalayan nila ni Kathryn, pinili rin daw niyang manahimik sa isyu.

Ang huling pahayag daw niya ay para kumpirmahin nilang dalawa ang kanilang break-up.

“Sa lahat ng nangyari, ayoko nang makisabay. Saka parang out ako sa ganyan. Saka ‘yung nangyari, it’s very personal to me. And I don’t appreciate na ang daming nag-chi-chip in. Sabi ko, that’s how it goes, it’s showbiz, baby,” paliwanag niya.

Sa taong ito, gusto rin daw niyang mag-pokus sa sarili para sa kanyang personal goals

Bet din daw niyang mag-travel at bumalik sa Vietnam na isa sa paboritong travel destinations niya.