Advertisers

Advertisers

P2.4m droga, nasamsam sa HVT sa Valenzuela

0 15

Advertisers

Kulong ang isang drug suspect na itinuturing na High Value Individual (HVI) nang makuhanan ng mahigit P2.4 milyong halaga ng illegal na droga sa ikinasang buy bust operation ng Valenzuela PNP, nitong Huwebes ng umaga.

Kinilala ni Valenzuela Police Chief P/Col. Salvador Destura Jr. ang naaresto na si alyas “ Reymond Hudas”, 33, ng Block 4, Lot 5, Phase 2A, Northville 1, Brgy., Bignay.

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Destura na nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa pagputok ng pangalan ni “Hudas” sa pagbebenta umano ng droga sa kanilang lugar at kalapit na mga barangay.



Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 365 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P2,482,000, buy bust money, hard case, cellphone at digital na timbangan

Kasong paglabag sa Sections 5 at 11 under Article II of RA 9165 (Comrehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang isasampa ng pulisya laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutors Office.(Beth Samson)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">