Advertisers
Ni JIMI C. ESCALA
ITINANGGI ng kaibigang ABS-CBN insider ang isyung ipi-freeze muna ang career ni Andrea Brillantes.
Binanggit pa zng nakausap naming isa sa namamahala ng mga projects ng mga talent ng Dos na wala raw naman siyang nabalitaan na may move na pansamantalang hindi magkakaroon ng proyekto si Andrea. Ang isyu ay may kinalaman sa pagkadawit ng Kapamilya aktres sa hiwalayang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, huh!
Dagdag pa ng kausap namin na walang binanggit ang management tungkol sa naturang isyung walang ibibigay na project kay Andrea.
Naniniwala pa rin ang source namin na tuluy-tuloy pa rin ang mga project ni Andrea.
Katunayan ay kasalukuyang pinag- uusapan daw ng management ang next project ng lahat ng involved sa matagumpay na “Senior High” kung saan isa sa mga bida si Andrea, huh!
Naniniwala ang source namin na kahit nadamay sa KathNiel break up si Andrea still hindi na lang basta isasantabi ng network ang aktres, huh!
***
DAHIL sa success ng MIFF at MMFF entry na “Rewind” na pinabidahan ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ay sunud-sunod na parangal ang ipinagkaloob sa dalawa at sa producer ng naturang movie, huh!
Bukod sa Box office King and Queen para kina Dingdong at Marian ay may mga recognition din silang tatanggapin.
Nauna nang binigyan ng karangalan ang dalawang Kapuso stars ng Quezon City. Siyempre, mainit na tinanggap ni Mayora Joy Belmonte sina Marian at Dingdong at iniabot sa dalawa ang pagkilala ng QC dahil sa tagumpay ng “Rewind”.
Almost isang billion na raw ang kinita ng pelikula at tiyak tataas pa ito pag naibenta na ang movie sa streaming platform, huh!
After QC ay pinagkalooban din ng special commendation ang pelikula at ang DongYan ng Senado at malamang susunod ang mababang kapulungan.
Bukod kina Dingdong at Marian at sa mga taong involved sa pelikulang “Rewind,” karapat-dapat din namang bigyan ng commendation Ang Star for all Seasons Vilma Santos sa sobrang kasipagan niya sa pag-promote ng “When I Met You In Tokyo” at ng lahat ng entries ng MMFF na sa totoo lang naging inspirasyon ng mga artistang may entry sa pestibal.