Advertisers

Advertisers

Vilma inaabangan ang pagpasok sa ‘Batang Quiapo’; Noontime show nina Yorme at Paolo, titigbakin na sa laki ng utang sa Siyete

0 249

Advertisers

Ni JIMI C. ESCALA

ENJOY  at mas kalmado na ngayon sa kanyang “Batang Quiapo” kumpara sa “Ang Probinsiyano” ang Primetime King na si Coco Martin.

Ayon kay Coco sa kanyang exclusive interview sa ABS-SBN news on Monday, sobrang saya raw niya ngayon sa “FPJ’s Batang Quiapo” kumpara sa una nilang ginawang “Ang Probinsiyano”.



Kumbaga, sey ng Kapamilya aktor ay mAs relax na siya ngayon kasi nga raw yung mga kakulangan at mga nagawang  kamalian noon sa “ÁP” ay naitama na nila  sa “BQ”, huh!

Dagdag ng alaga ni Sir Biboy Arboleda sa mga natutunan na niya ngayon ang atake sa mga kinukuhang beteranong artista na isinama sa serye huh!



“Sa totoo lang kasi dati kapag naisipan ko na ang isang kuwento para sa kanila, eh, itotodo ko na agad,” sey ng bida ng “Batang Quiapo.”

Unti-unti na raw nabago ni Coco ang mga istilong nabanggit. Naibalanse na raw niya ngayon, huh!



Ang hindi lang nabago raw kay Coco pagdating sa mga kinukuha nilang veteran actors ay ang excitement. Hindi pa rin daw makapaniwala si Coco na ang mga pinapanood lang niya dating mga kilalang artista ay kasama na niya ngayon.

“Nông dinidirek ko yung eksena nina Jaclyn Jose at Irma Adlawan medyo hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Kumbaga, namimilipit ako talaga, direktor ako no’n ha,” napatawang balik tanaw ni Coco.

“Hindi ko sila ma-cut kasi sabi ko nga, sobrang galing nilang pareho, ang sarap panoorin. Para silang nagboboksing na hindi mo alam kung ano gagawin mo. Hayop sa galing,” napailing pang kuwento ni Coco.

Sa inilabas ng ABS-CBN at Dreamscape na anniversary trailer ng “FPJ’s Batang Quiapo” ay marami ang humanga sa mga ipinakitang eksena, pahiwatig na higit na mas marami ang tututok sa mga susunod na episodes para sa Ikalawang taon ng  teleserye ni Coco.

And we heard mula sa insider ng Dreamscape na isa raw sa kinukumbinsi na maging part  ng Batang Quiapo ay ang Star for All Seasons na si Vilma Santos, huh!

***

TOTOO kaya ang kuwentong pinag- uusapan ngayon na hindi na raw magtatagal sa ere ang noontime show na “Tahanang Pinakamasaya”?

Kumbaga, ayon sa usap-usapan ay tsutsugihin na ng GMA 7 ang nabanggit na pangtanghaling palabas ng Siyete, huh!

Ayon sa tsika ay papalitan na raw ang programa nina Yorme Isko Moreno, Paolo Contis and company, huh!

Kasalukuyan nga raw nakikipagnegosasyon na ang Ilan sa mga bossing ng istasyon sa mga namamahala ng programang ipapalit sa  “Tahanang Pinakamasaya.”

Isa mga dahilan ay problemado na raw ang nabanggit na programa sa finances dahil sa malaki anya ang nagagastos araw-araw ng show.

At lumalaki na rin daw ang hanggang ngayon ay hindi pa nababayarang utang ng show sa istasyon, huh!

Umabot na raw sa 800 million ang dapat bayaran ng Tape sa GMA7, huh!