Advertisers

Advertisers

P106m cocaine nalambat ng mangingisda sa Samar

0 3

Advertisers

NALAMBAT ng isang mangingisda ang cocaine na nagkakahalaga ng P106 milyon sa karagatang sakop ng Barangay Tangbo sa Arteche, Eastern Samar noong Biyernes.

Sinabi ni Mayor Roland Boie Evardone, ang 62-anyos na si Samuel Dalimpapas ang nakakita sa droga.
Inakala ni Dalimpapas na naglalaman ng pera ang mga bag ngunit bumulaga sa kanya ang bulto ng droga.

Nasa pangangalaga na ng mga awtoridad at ng Philippine Drug Enforcement Agency ang cocaine bricks na nakabalot sa dalawang malalaking plastic bag at nakalagay sa isang fish net.



Sinabi ni Evardone na plano niyang magbigay ng pabuya kay Dalimpapas dahil sa kanyang katapatan.