Advertisers
Kalaboso ang isang construction boy at high value indibidwal sa pinaigting na anti-illegal drugs operation sa Binangonan, Rizal.
Sa ulat kay Rizal PNP Provincial Director Col. Felipe Maraggun, kinilala ang mga nadakip na sina alyas Arjay, 31 anyos. construction boy ng Binangon; at alyas Nano, 23-anyos, ng Morong, kapwa lalawigan ng Rizal.
Sa ulat, 1:30 ng umaga nitong Linggo ng ikasa ng local na pulisya at Binangonan Municipal Drug Enforcement Team sa COD Compound, Brgy., Tayuman ng nabanggit na bayan.
Narekober sa mga suspek ang 8 pakete ng shabu na may timbang na 82.66 gramo at nagkakahalaga ng P562,088.00, Isang Honda click motorcycle at buybust money.
Hawak na ng Rizal Provincial Forensic Unit ang mga ebidensya para sa drug examination, habang sasampahan ng kasong paglabag sa RA9165 ang dalawang akusado. (Edwin Moreno)