Advertisers

Advertisers

PBBM kinondena ang pananambang sa 4 sundalo sa Maguindanao del Sur

0 40

Advertisers

MARIING kinondena ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang pananambang sa apat na sundalo sa Maguindanao del Sur nitong Linggo, March 17, 2024 ng teroristang grupo.

Ayon sa Pangulo, ang kasumpa-sumpang aksyon na ito ang dahilan kung bakit pinalalakas ng pamahalaan ang pagwawalis sa terorismo sa rehiyon at sa buong bansa.

Sinabi ni Pangulong Marcos, sa ilalim ng kaniyang pamumuno, nananatili ang pangakong tiyakin na maigagawad ang agarang hustisya para sa apat na nasawing mga sundalo.



Inatasan na rin ng Pangulong Marcos ang mga ahensiya ng pamahalaan na agad ipagkaloob ang kailangang tulong at iba pang mga benepisyo sa naulilang pamilya ng mga nasawing sundalo.

Binigyang diin ng Pangulo na ang insidenteng ito nawa ang magbigay daan para sa pagkakaisa ng mga Pilipino para sa mas ligtas, malakas at insurgency free Philippines.



Sa pamamagitan ng pagkakaisa aniya ay mananaig parin ang katarungan laban sa mararahas na aksyon ng mga terorista.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">