Advertisers

Advertisers

Kim ‘di na type umasa sa personal life, trip na lang mag-enjoy; Luis vs Willie, tapatan ng show

0 12

Advertisers

Ni JIMI ESCALA

FROM an ABS-CBN insider ay malaman naming nakatakdang magbalik sa ere ang “It’s Your Lucky Day” ni Luis Manzano.

Nope, hindi raw ang nabanggit na programa ang magiging kapalit ng natsugi sa ereng “Tahanang Pinakamasaya, huh!



Sa mismong source namin nalaman na ang “It’s Showtime” pa rin ang makakatapat ng “Eat Bulaga”, huh!

Well, ayon pa rin source namin  sa nakatakdang pagbabalik sa ere ng programa ni Luis Manzano ay maaring makatapat nito ang nakatakdang magbalik sa ere na  “Wowowin” .



Malamang daw magiging pre- programming o after ng “It’s Showtime“ mapapanood ang “It’s Your Lucky Day” na yun din daw ang pinag-iisipan ni Willie Revillame at ng management ng TV5 kung saan mapapanood na muli ang “Wowowin”, huh!

***



SPEAKING of “It’s Showtime,” ang isa sa co-host ni Vice Ganda na si Kim Chiu ay ipinaubaya na lang daw ng aktres at TV host sa Itaas ang anumang kahihinatnan ng personal na buhay niya.

Sey ng aktres wala na raw naman siyang inaasahan na posible pang mangyari sa buhay niya sa mga darating pang mga taon.

“Parang ayoko na ng too much expectations on what will happen in the coming months or in the next years to come.

“Sa ngayon parang gusto ko nang mag enjoy, kasi sa totoo lang, sa life natin ngayon, nasa plano na ito ni God.

“Everything doesn’t happen by chance. It was written already before you were born,” medyo natatawa pero seryosong tugon ni Kim sa tanong sa kanya ni Dra. Vikki Belo na kung ano ang vision ng Kapamilya aktres ngayon, huh!

Dagdag ni Kim na kung anuman daw ang magiging kaganapan sa personal niyang buhay ay kagustuhan lahat daw yun ng Panginoong Diyos.