Advertisers
May bagong teknolohiya mula sa SLOVAKIA ang magiging malaking kapakinabangan sa ating bansa upang ang mga nagkalat na basura ay muling mapakinabangan na magagawang gasolina at maging source of energy.
Sa isinagawang TECHNOLOGY PRESENTATION ng EUREX ENERGY nitong nakaraang March 22 sa MARCO POLO HOTEL, ORTIGAS CENTER na dinaluhan ng mga LOCAL GOVERNMENT OFFICIAL ay nahikayat ang mga ito sa bagong teknolohiya na magiging solusyon sa mga PLASTIC WASTE o mga basurang plastik na magagawang maging diesel o gasolina.
Hindi lang sa kalupaan nagkalat ang mga basurang plastik kundi maging sa mga katubigan at karagatan na maaaring sinupin upang maibalik muli ang kalinisan sa mga katubigan at ang mga basurang plastik ay ipo-proseso upang maging enerhiya at gasolina.
Sa panayam ng mga MEDIA kina SLOVAKIA PRESIDENT PHILIPPINE CHAMBER OF COMMERCE MR. JAN DINA at EUREX ENERGY CEO VLADEMIR DANISKA.., ang kinakailangan ng LOCAL GOVERNMENT UNIT o MUNISIPALIDAD at SIYUDAD ay ang maglaan lamang ng lupang mapagtatayuan ng gusaling mapupuwestuhan ng mga makina na poproseso sa mga basura para mapakinabangan bilang source of energy.
Ang naturang programa ay dinaluhan nina dating FINANCE SECRETARY MARGARITO TEVES; PANDAN, ANTIQUE MAYOR TOMAS ESTOPEREZ JR; UNISAN, QUEZON MAYOR FERDINAND ADU; PALANAS, MASBATE MAYOR ROSCELLE ERAMIZ; SIBUCO, ZAMBOANGA DEL NORTE MAYOR JOEL VENTURA; KABANKALAN, NEGROS OCCIDENTAL MAYOR PEDRO ZAYCO JR; CORON, PALAWAN MAYOR MARIO REYES JR at iba pang GOVERNMENT OFFICIALS na pawang humanga sa bagong teknolohiya na nalikha ng SLOVAKIA SCIENTISTS/ INVENTORS bilang solusyon sa polusyon at maglilikha pa ng enerhiyang katulungan sa komunidad.
Sa presentation ng EUREX ENERGY TECHNOLOGY ay ipinunto na ang mga PLASTIC WASTE ang isa sa ENVIRONMENTAL PROBLEM ng buong mundo na milyun-milyong tonelada ng mga basura ang nagsisilbing GLOBAL POLLUTION.., kaya naman sa pamamagitan ng bagong teknolohiya ay mapakikinabangan na muli ang mga basurang plastik na ma-recycle at malilinis pa ang mga karagatan tungo sa healthier environment. Ang PLATIC WASTE RECYCLING ay hindi lang makapagbabawas ng polusyon kundi lilikha pa ito ng ECONOMIC EMPOWERMENT at NEW JOB OPPORTUNITIES sa ating mga kababayan.
Inihayag naman ni FORMER FINANCE SECRETARY TEVES na ang teknolohiyang nalikha ng SLOVAKIA ay malaking katulungan para mabawasan ang polusyon sa kapaligiran, lilikha pa ng mga trabaho at magiging income generation pa ng mga LGU’s sa larangan ng energy source.
Ang TECHNOLOGY PRESENTATION ay pinangasiwaan nina HOMER CAMILING ng EUREX ENERGY S.R.O. PHILIPPINE MANDATE; VLADEMIR DANISKA, CEO EUREX ENERGY; at si JAN DINA, PRESIDENT SLOVAKIA PHILIPPINE CHAMBER OF COMMERCE.., na dinaluhan din ng mga possible INVESTORS at nagsilbing taga-aliwnaman ng mga participant sa pamamagitan ng pagkanta ni VETERAN COMPOSER/SINGER CHARLIE FRY at ang nagsilbi namang MASTER OF CEREMONY ay sina MEDIA HOUSE EXPRESS CHIKA TIME MUAH MUAH ANCHOR DOLLYGENE SAN FELIPE at MARLON ESPLANA.
Mga ka-ARYA.., napakaganda at kapaki-pakinabang ang EUREX ENERGY TECHNOLOGY para mabawasan ang polusyon sa kapaligiran.., makapagbibigay ng maraming trabaho sa ating mga kababayan at higit sa lahat ay lilikha ito ng ENERGY SOURCE!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.