Mag-asawang Dr. Richard at Ludy Gilkison, kapwa tatanggap ng tropeo sa 6th Lifetime Achievement Award sa AmerAsia
Advertisers
Ni BLESSIE K. CIRERA
TATANGGAP ng award ang founder at president ng Pinoy Lakas Radio Streaming Youtube channel/Facebook na si Ms. Ludivina ‘Ludy’ Villamac Gilkison, bilang Fil-Am Ambassador of Goodwill sa 6th Lifetime Achievement Award mula sa isang prestigious organization, AmerAsia, sa darating na April 13 sa The Celebrity Center International, Hollywood, California, USA.
Si Gilkison ay kilalang philanthropist na madalas magsagawa ng mga feeding program sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas man o sa ibang bansa.
Sa kanyang kinagisnang lungsod ng Pasay ay nakagawian na ni Madam Ludy na magdaos ng mga feeding program lalo na para sa mga kabataan.
Namimigay siya ng mga pagkain at iba pang kagamitan para sa kanyang mga kapitbahay at kalapit lugar.
Maliban kay Madam Ludy, awardee rin ang husband niyang si Dr. Richard A. Gilkison na 35 taon nang optometrist ng Chaffy Highlands Optometric Eyecare.