Advertisers
TRAUMATIC experience para kay Taylor Sheesh ang pananakit na sinapit niya mula sa isang lalaki habang nagpe-perform para sa fiesta sa Bayambang, Pangasinan .
“This is traumatic. Literally. I’m shaking rn,” saad ni Taylor Sheesh sa X (dating Twitter).
Marami namang netizen ang nakisimpatya kay Taylor Sheesh.
Sa kabila nito, nagpasalamat si si Sheesh kay Mayor Niña Jose Quiambao sa pag-imbita sa kanya sa kanilang pagdiriwang.
“Despite of what happened last night, I just want to thanks for the warm welcome Bayambang! Thank you to Mayor Nina Jose Quiambao for inviting us and to my fellow Swifties thank you thank you for coming! Happy fiesta!” aniya.
Humingi naman ng tawad si Quiambao kay Taylor Sheesh, nangako rin ito na maibibigay sa kanya ang hustisya.
Nakilala si Taylor Sheesh, isang Filipino drag queen, dahil sa pag-impersonate kay Taylor Swift.