Advertisers
KINUMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi na palalawigin pa ang deadline ng application ng franchise consolidation para sa PUV Modernization ng pamahalaan sa April 30.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa isinagawang Bagong Pilipinas Townhall Meeting on Traffic Concerns na ginanap sa San Juan City.
Ayon sa Pangulo, wala talagang solusyon sa trapiko kung hindi maglipat patungo sa mass transit.
Bilang tugon dito naglagay ang gobyerno ng subway at tren para wala ng trapik. Ito kasi ang pinakamabilis na transportasyon para makaiwas sa trapik.
Pahayag ng Pangulo, kahit sa malalaking bansa sa mundo kanilang ginagamit ang mass transportation dahil hindi lamang ang mga mahihirap ang sumasakay sa mga tren at subway kundi maging ang mga mayayaman dahil sa mabilis ito at walang susuunging trapik.
Giit ng Pangulo, ito ang dahilan kung bakit pinupursige ng kaniyang administrasyon na pagandahin ang transport system ng bansa.
Sa ngayon walong railway project ang ongoing kung saan mahigit 50 percent na itong nakukumpleto.
Ayon sa Pangulong Marcos na kanilang minamadali ang mga nasabing proyekto dahil napakalaki ang sagabal sa progreso sa traffic.
Sa ngayon nasa 4.9 billion ang cost ng nagco-commute dito sa Metro Manila kung hindi gagawa ng hakbang ang gobyerno, posible aakyat ito sa 9 billion kada araw.
Naniniwala ang Pangulo na ang sagot sa problema sa trapik ay ang mass transit system.