Advertisers
SIMULA Abril 15 ay ipatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ‘modified working hours’ sa local government units (LGUs) sa National Capital Region (NCR) upang bahagyang masolusyunan ang matinding trapik na nararanasan sa Metro Manila.
Ito ang ipinasang resolution ng Metro Manila Council (MMC), ang policy making body ng MMDA.
Sa halip na traditional working hours 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, magiging 7:00 ng umaga hanggang 4:00 hapon na ang pasok ng mga kawani sa LGUs sa NCR.
Base ito sa nakasaad sa MMDA Resolution No. 48 Series of 2024.
Ang working hours na 7:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon ay ipatutupad mula Abril 15 ng taon.
Ang naturang resolution ay nilagdaan Pebrero 28, 2024 na inirekomenda kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para magpalabas ng Executive Order para sa pagpapatupad ng modified working hours sa Metro Manila LGUs. (GAYNOR BONILLA)