Advertisers

Advertisers

PBBM NASINDAK SA SECRET DEAL NI DUTERTE SA CHINA!

0 26

Advertisers

INIHAYAG ni Presidente “Bongbong” Marcos, Jr. na nasindak siya sa secret gentleman’s agreement ng China sa Ayungin Shoal:

“I am horrified by the idea that we have compromised through a secret agreement the territory and the sovereign rights of the Filipinos.
Hindi pa namin alam kung ano ba talaga yang agreement na yan. But, kung ang sinasabi sa agreement na yan ay kinakailangan tayong magpermiso sa ibang bansa para gumalaw sa ating sariling teritoryo, mahirap siguro sundan ‘yang ganyang klaseng agreement.
Was this an official thing or was it a personal thing? Dahil walang record. Kahit saan ka tumingin. Walang record.
Sikretong ginawa lahat nang ito. Bakit nila ginawa? Kung gagawin man nila, bakit pa nila ginawang sikreto? Nakakapagtaka nga eh. Kaya it’s not a good situation,” sabi ng Pangulo.

Magugunita na ibinunyag ng isang mataas na opisyal ng China na nagkaroon ng kasunduan sina dating Pangulo Rody Duterte at China na ilimita sa isang supply boat lamang ang magdadala ng pagkain at kagamitan ng mga sundalo na nakahimpil sa nakabarang warship ng Pilipinas, BRP Sierra Madre, sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea (WPS), pero bawal ang magdala ng anumang materyales na gamit sa pag-repair sa naturang warship, at aalisin ang barkong ito sa naturang shoal.



Kinumpirma rin ng dating spokesman at abogado ni Duterte na si Harry Roque na nagkaroon nga ng secret deal ang dating pangulo at ang presidente ng China.

Samantala, nagpasa ng resolusyon si Senador Risa Hontiveros para imbestigahan ang naturang secret deal.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">