Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
TINANONG namin sina Buboy Villar at Kokoy de Santos kung ano ang pinakamaganda o memorable nilang karanasan nang nag-shoot sila ng second season ng Running Man Philippines sa South Korea kamakailan.
Lahad ni Buboy, “Actually, ang magandang memory po namin doon ay yung meron kaming mga guests. Kasi hindi po namin in-expect yung mga pangyayari.”
Sekreto pa kung sino ang mga celebrities na tinutukoy ni Buboy, na ang iba ay malamang mga Koreano.
“Hindi ko po masasabi sa inyo, pero gustung-gusto na po naming ipalabas itong Running Man Philippines kasi sobrang nakaka-proud bilang isang artista po dito sa Pilipinas na maranasan po yung ganung pangyayari.
“Huwag po kayong mag-alala dahil kung ano po yung sinasabi ko malalaman niyo rin po iyon. So abangan niyo po yung mga guest.”
“Bukod po sa mga pina-experience sa amin na mga talagang never namin na-imagine na mae-experience namin sa South Korea bukod sa guests, yung winter,” bulalas naman ni Kokoy.
“First [time], feeling ko tayong tatlo, ‘no, first,” sabay-baling ni Kokoy kina Mikael Daez at Buboy na katabi niya sa mediacon ng Basta’t Sama Sama… Best Time Ever ng GMA.
“Lalo na yung snow, first time kong maka-experience ng snow, at siyempre Running Man [Philippines] pa yung nagpa-experience sa akin,” sinabi pa ni Kokoy.
Ang Basta’t Sama Sama… Best Time Ever na campaign ng GMA Entertainment Group ay dinaluhan, bukod nina Buboy, Kokoy at Mikael ng Running Man Philippines 2, ng cast members ng Bubble Gang na sina Chariz Solomon, Cheska Fausto, Matt Lozano, EA Guzman, Betong Sumaya at Paolo Contis; ng cast ng Pepito Manaloto na sina Chariz, Angel Satsumi, Arthur Solinap, at Jake Vargas; at ni Dingdong Dantes ng Family Feud at Amazing Earth.
***
SUMUPORTA si Rita Daniela sa recent event ng Wide International Film Productions kung saan dalawa sa mga business partners ay kapwa niya Kapuso na sina Ken Chan at Glaiza de Castro.
Kasosyo na rin si Rita kasi ni Ken sa chain of restaurants ni Ken na Deer Calus Steakhouse and Restaurants.
Bakit hindi rin naki-partner si Rita sa Wide International Film Productions na tulad nina Ken at Glaiza?
Paliwanag ni Rita, “As of now kasi, wala pa siya sa plans ko. I think mas, I think alam naman ng lahat mahilig ako sa pagkain, di ba? So dito muna ako sa resto kasi I think mas makakapagbigay ako ng inputs, mas magiging hands on ako sa partner-an.”
Magbubukas daw sila ng mga bagong branch ng Deer Claus Steakhouse & Restaurant sa Timog, Batangas at sa Bataan.
Isa si Rita sa mga nag-perform sa contract signing ng GMA at It’s Showtime; tulad ng alam ng lahat ay umeere na sa GMA ang It’s Showtime simula noong Sabado, April 6.
Hiningan namin ng opionyon si Rita tungkol sa bagong collaboration na ito ng Kapuso at Kapamilya networks.
“Ay napakasarap sa puso! Kasi sabi nga ni Meme [Vice Ganda], it’s a very iconic historic and mothering event of the year. And sa dami ng puwedeng mag-perform that day ay isa ako sa napabilang at naalala nila and ang sarap sa puso na binibigyan din ako ng importansiya ng network ko.
“At ang sarap sa feeling na nakakasama ko yung mga baguhan din na pasimula din, na ang sarap na ako yung isa sa itinuturing nila na puwedeng parang ate, alam mo yun?
“Na dati ako yung ganun, na marami akong ate sa paligid ko, kuya, ate, tapos ako na yung tinuturing nilang ate. Kasama ko yung mga TNT Champions, na-meet ko, tapos kasama rin yung mga The Clash champions natin which is siyempre nakakasama ko na sila sa All-Out Sundays.
“Nakakataas-balahibo at nakakaiyak marinig in person yung mga speeches ng lahat, nakakaiyak siya,” bulalas pa ni Rita.