Advertisers

Advertisers

Vice Ganda copycat kay Direk Darryl?

0 9

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

TALK of the town ang naging speech ni Vice Ganda sa debut episode ng “It’s Showtime” sa GMA-7 noong Sabado.



Nagbigay naman ng take rito ang lyricist/composer na si Lolito Go sa kanyang Meta account.

Aniya, hindi raw niya maiwasang ikumpara ang pagkakapareho ng speech ng unkabogable star  sa paborito niyang director na si Darryl Yap.



Sa kanyang side-by side comparison, pakiwari niya ay unmistakable ang semblance nito sa “Buo” ng kontrobersyal na director.

Pati raw iyong thoughts, delivery at heroic musical na tono na ginamit sa litanya ay almost identical.



Nagbigay naman siya ng pasubali na posibleng may sariling team ang “It’s Showtime” host na gumagawa o nagsasaliksik para sa kanyang speeches o sketches.

Gayunpaman, hindi raw naman siya kumbinsido na kung sino man ang nagsulat ng monologo ni Vice ay hindi nito napanood ang bersyon ni Darryl Yap na “Buo” na 2020 pa nabuo.

Kuhang kuha raw kasi nito pati iyong pacing at theatrics ni Direk Darryl.

Puwede rin daw namang nagkataon lang ito pero napakaliit anya ng tsansa kung coincidence lang.

Nagbigay pa siya ng instances ng pagkakapareho nina Vice at Direk Darryl.

Bukod sa galing sa LGBTQIA community, pareho raw nagmula sa hirap ang dalawa, parehong mapagmahal sa kaibigan at pamilya at  parehong nakatanggap ng maraming rejections.

Pagdating sa karakter, pareho rin daw witty, funny, gutsy at opinionated ang dalawa. Pareho rin daw silang kayod kalabaw, parehong bumangon, nagpakabuo at  nagtagumpay.

At baka dahil sa mga pagkakaparehong ito, may tendency rin talaga na iisa lang ang maging tenor ng mga talumpati nila. Iisa ang hugot, iisa ang baon.

Sa huli, hindi raw niya masabi kung nangopya o guilty ng plagiarism si Vice dahil ang hirap nitong patunayan.

Gayunpaman, kung nangopya raw ng ideya ang comedian ay dapat na binigyan na lang nito ng kredito si Direk Darryl.

May netizens na sumang-ayon na nangopya ng ideya ang TV host-actor pagkatapos mapanood ang bersyon ng direktor.

May mga nagtanggol naman sa phenomenal star dahil iba raw naman ang wordings at naging mensahe ng spoken poetry ni Vice.