Advertisers

Advertisers

Kathryn at Alden sa Canada isu-shoot ang reunion film

0 9

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

HUWAG nga lang daw magkaroon mg aberya ay may petsa na kung kailan sisimulan ang reunion project nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Agosto ngayong taon daw napagkasunduhan ng buong team na simulan ang paggiling ng part 2 or sequel ng Hello Love Goodbye nina Kathryn at Alden.



May mga tsika pa nga na nakapagsunduhan na raw kung sino ang kasama sa part 1 ay siya pa rin dapat ang kasama sa part 2.

Matatandaan na may scene si Kathryn na nasa airport at patungo ng Canada para ipagpapatuloy ang dream para sa natapos na  kursong nurse.



Dagdag sitsit na tila natatakot ang ibang film producer na makipagsabayan sa film nina Kathryn at Alden na matunog na ilalahok sa 50th Metro Manila Film Festival.

Dahil sa lakas ng tandem para sa sequel ng film ng KathDen, tila maraming ayaw mangahas na makipagsabayan sa movie nila.



As in, super lakas daw ng reunion film ng KathDen after mamataan ang Pambansang Bae sa kaarawan ni Kath.

***

KAHIT pala ang mahusay na aktor na si Paulo Avelino ay nangahas din at nangarap na makasama sa project si Kathryn Bernardo.

Nagkainteres daw si Paulo na makasama rin ang kapwa niya Kapamilya star sa isang project.

Ngayon nga raw na hiwalay na ito sa bf at ka-loveteam na si Daniel Padilla ay mukhang ubra na ring makasama ni Paulo sa proyekto si Kath.

Sey pa ng netizens na bakit daw di subukan ng kanilang home network na pagsamahin sa isang project sina Kathryn at Paulo.

Nababalita kasi na tila makakasama rin ni Jericho  Rosales si Kathryn sa project pero wala pa itong linaw.

Matunog kasi na ang sequel ng Hello Love Goodbye ang planong gawin ngayon taon para sa taunang Festival.

Well, well, well…’Yun na!