Advertisers

Advertisers

Bea at Dominic private na ang relasyon nang magkabalikan

0 59

Advertisers

Ni RONALD M. RAFER

TILA may mga pagtataka/ pagtatanong tungkol sa relasyon nina Bea Alonzo at Dominic Roque. Wala na raw kasi ang mga larawan ni Dom sa IG ni Bea. Kailan lang ay nabalitang nagkabalikan na ang dalawa kahit na parang duda pa ang mga netizen. Kesyo open na ulit bumisita si Dom sa bahay nina Bea at natutulog na rin ulit ito dun.

Parang duda kung totoong nagkabalikan na kasi nga wala na ang mga sweet moments nila together na makikitang kapwa nagpo-post sila ng togetherness nila sa kanilang social media accounts. Kung meron man, ang kanya-kanyang ganap na lang nila.



Or kung wala naman, baka gusto lang nilang maging private na lang yun para hindi sila ma-bash or something. Ayaw kasi silang tigilan ng mga Maritess na konting kibot lang eh naka-report agad  at may caption agad kahit hindi totoo. Hayyyyy naku!

Mainam na nga na maging private na lang kung anuman ang meron sa kanilang dalawa. Wag silang i-pressure kung wala pang wedding plans.



***

BUHAY PA RIN ANG OPM



ISANG bonggang musical concert for a cause ang handog ng mga Icon at OPM singers, ang “Awit ng Panahon: Noon at Ngayon” featuring Hajji Alejandro, Rachel Alejandro, Gino Padilla, Kris Lawrence, Geoff Taylor  and some of the original members of Hagibis, VST and Company, The Boyfriends, Abrakadabra, and the new gen artists. This is happening on April 21 at the New Frontier Theater. Presented by Avolution Inc., Pro Entertainment Production and Maillilin Music Production.

Halos 51 years in the music industry na ang tinagurian noong 80s na Kilabot ng mga Kolehiyala na si Hajji at sabi  nito, mas maganda yung  music noon kesa ngayon.

“Buhay na buhay pa rin ang original music tunog OPM. Through  the years nagbabago ang style ng mga music kaya mahirap gumawa ng hit today from all over the world.  Mas okey ang competition noon at super lakas ng recall ng kanta sa aming mga OPM singers.”

Dagdag naman ni  Rachel, “Mahirap din yung pinagdanan namin noon. We have to promote our music thru TV, magazines, songhits and radio para makarating sa  mga tao. Unlike ngayon na may social media na, mabilis na. Noon talaga, you have to exert some efforts para mabilis na maiparating sa mga tao na meron kang bagong kanta, may bago kang shows at walang tigil ang pagpo-promote mo. Ganun.”

Sabi naman ni Gino, mas may soul daw ang mga music ng 80s at 90s.

Natanong din ang mga Icon kung nakaranas silang dedmahin o mabastos ng mga young artist ngayon.

“You should have more understanding na baka hindi ka kilala kasi nga bihira ng lumabas sa TV at hindi na kilala,” sey ni Hajji.

“Pero meron akong hindi makakalimutan about the Aldub na sikat na sikat noong minsang nag-guest ako sa “Eat Bulaga”. Kasikatan nila noon. Pumasok sila sa dressing room ko  at nagpakilala sila. Sobrang marespeto sila considering na sobrang sikat nila noon. Hindi ko makakalimutan ‘yun.

“May mga minsan dedma, hindi namamansin pero sana matuto silang rumespeto sa mga seniors kasi sabi nga di ba, pana-panahon lang iyan, darating ang panahon na tapos ka na. Okey din yung matatandaan ka bilang Isang mabuting tao na may respeto sa kapwa mo,” sabi pa ni Hajji.

Anyways, isang bonggang show ang promise ng mga 80s singers na ikasisiya ng lahat especially ng mga umabot ng ganung panahon at sa ngayon.