Advertisers

Advertisers

Vilma ipapasa-Diyos na lang ang pagiging National Artist

0 21

Advertisers

Ni JIMI C. ESCALA

INSPITE sa masama ang pakiramdam ay hindi binigo ng Star for all Seasons Vilma Santos-Recto ang mga estudyante ng Senior High School ng UST.

Punung puno ang auditorium ng Blessed Pier Giorgio Frassati ng mga Senior High students ng UST na  maaga pa lang ay nagtiyagang pumila para manood ng film showing and talk back ng pelikulang “Anak” na ginanap sa 21st flr ng Blessed Pier Giorgio Frassati bldg ng University of Santo Tomas.



Tuwang-tuwa si Ate Vi dahil kahit hindi na inabot ng mga estudyante ang pagpapalabas  ng pelikulang “Anak” 24 years ago ay na-appreciate ng mga ito ang nasabing pelikula.

“Nakikita nyo yung enthusiasm nila at excited sila to ask and learn kung ano ang mga ginagawa namin.



“I mean gusto nilang madinig ang mga experience namin doing the movie,” bungad pa ni Ate Vi nang makausap namin after the showing and Talk Back ng pelikula.

Kaya nga ganado si Ate Vi to reach out to the Gen Z or the millennials na ipaliwanag sa mga ito ang pagkakaiba ng mga ginagawa nila noon.



“Isa rin sa advocacy ko ay to restore sa mga dating movies problema nga lang wala nga lang tayong enough funds,“ sabi ni Ate Vi.

Dagdag pa ni Ate Vi na maraming  lumang pelikula na pwedeng i-restore gaya ng kanyang “Tagos ng Dugo” at iba pa.

“Sa totoo lang, nang mapanood ko ngayon yung mga dati kong pelikula na ni-restore, eh, parang ngayon ko lang na-appreciate ang mga nagawa ko,“ banggit ng Star for all Seasons.

Sa ngayon daw ay isa si Ate Vi sa katuwang sa paghahanap ng pondo para lang sa restoration ng mga critically acclaimed movies.

***

PARA pa rin Kay Ate Vi ay na- challenge raw siya na gumawa ng pelikula after her “I Met You In Tokyo” na hindi lang naging box office hit kundi dalawang best actress awards din ang ibinigay sa kanya ng pelikula.

Sa ngayon ay sunud-sunod ang offers kay Ate Vi to do another movie.

May mga ibinigay sa kanyang mga script.

“Meron akong mga script na all of them naman are good. Pero parang hindi pa ako ready to accept,” sey ni Ate Vi.

At this moment, ano pang klase ng pelikula ang nasa isip ni Ate Vi na maaari niyang gawin?

“Well naghahanap ako ng tipong parang “Bata, Bata, Paano ka Ginawa”.

“Although, isa siyang award-winning novel pero andun yung kakaiba at may juror,” dagdag pa ng premyadong aktres.

Sa isang banda, ano ang masasabi ni Ate Vi sa clamor ng halos lahat for her to be the next National Artist?

“Well sobrang nagpapasalamat talaga ako sa mga ginagawa nila, sa mga Vilmanians at sa iba, doon palang panalo na ako.

“Pero sinasabi ko na naniniwala naman talaga na if it’s not meant to be, hindi talaga.

“Kasi kahit anong gawin mo, kung para sayo yun, para sayo yun, kung hindi eh, di hindi.

“Kaya ipasa-Diyos na lang natin,” paliwanag pa ng nag-iisang Vilma Santos-Recto.