Advertisers
Ni FAVATINNI SAN
MAINIT ang panahon e sabayan natin ng mas nakakapasong balitang syobis lalo sa larangan ng pulitika.
Talbog ng aking source si Lola Maritess sa paghagilap ng tsika.
Ang nakalap namin ay may bahay na raw si Gretchen Barretto sa isang subdivision nasasakupan ng District V1. Naghahanda na umano si La Greta na lumahok sa pulitika. Yes, for local election (May) 2025. As of pressstime, hold ko munà kung anong posisyon…basta nasa district V1 daw na sakop ng Paco, Pandacan, at Sta. Mesa, Manila. Siyempre, knows na kung sino ang susuporta sa kanyang pagtakbo sa pulitika. Well, sure may pipick-up sa ating tsikang nakalap.
***
SEN. IMEE KAKALABANIN NI ISKO PARA MANILA MAYOR
KALAT na ang paglahok sa local election ni Senator Imee Marcos. Kahit sinabi niya na “di siya tatakbong mayor ng Manila” mas maraming naniniwala na angkop siyang maging Mayora.
Tsikang tapos na raw ang Pandacan residence niya. Pero may pahatid daw ang kampo ni Isko Mareno na lalabanan niya si Manang Imee. Hindi munà umano mag-aambisyon si Isko na maging senador. Paano Kaya si Mayora Honey Lacuna?
Naku, antabayanan ang susunod na kabanata.
***
NORA AUNOR NEWSMAKER PA RIN
COLORFUL pa rin ang showbiz achievement ni Nora Aunor. Her films ay napapanood sa iba’t ibang venue. Recently, her Dementia was shown sa Gateway cinema. Ang kanyang Condemned naman ay ipalalabas sa Cine Adarna sa UP at Ang Tatlong Taong Walang Diyos.
Sa darating na Cannes International Film Festival, ipalalabas ang restored film na Bona at Direk Adolf B. Alix’s film “Mananambal” will also join sa film festival sa Japan. Of course, her film “Pieta” ay balitang nag-iikot sa ibang lugar para mapanood ng ating mga kababayan. To all KaNoras and National Artist Nora Aunor, congratulations!