Advertisers

Advertisers

Sean pinagbiyak na bunga sa amang si Jeric Raval

0 212

Advertisers

Ni BETH GELENA

BUDDIES sina Andrea Brillantes at Lorin Bektas sa kanilang twinning  cowgirl looks sa  Coachella 2024 sa Empire Polo Club in Indio, California.

Ang nasabing event ang isa sa  biggest music festivals in the world kung saan doon naging buddies sina Andrea at Lorin, to embrace the summertime spirit suot ang twinning get-ups under the theme “urban cowgirls.”



Komento nga ng mga fans ng young actress: “Si Blythe talaga kahit ano ayos nya tlagang bongga tingkad ng kagandahan malakas ang appeal lagi ka na lang mapapa-wow.”

“Andrea is a combination of beauty and appeal. She is not yung ganda lang when it comes to physical  appearance yung charisma nya as a young lady is naguumapaw.”



“Hindi  nagpatalbog kay Lorin. Nakipagsabayan talaga siya.”

“Both of them are so beautiful and gorgeous”



***

BORRACHO PRODUCTION PINAKILALA ANG PITONG BAGUHANG ARTISTS

INI-launch ng Borracho Film Production ang pito nilang newly artists, namely NICA BALMES, AVIEGALE CASTILLO, ELLE FERNANDEZ, ZELENE DIZON, SEAN RAVAL and JESY VIDAL.

Silang pito ang isasalang ni Attorney Ferdie Topacio sa bago nitong movie na gagawin.

Anila nang ipakilala sa entertainment press last April 16, may mga experience na rin daw sila sa larangan ng showbiz.

Ang nakatawag pansin sa amin  among the seven talents ay ang anak ng action star na si Jeric Raval.

Naagaw niya ang aming atensyon dahil para silang pinagbiyak na bunga kaya hindi maitatanggi ni Jeric si Sean na kanyang anak.

Sayang at hindi namin natanong si Sean kung ang ina ba niya ay si Monica Herrera, ang former sexy actress na nakarelasyon ni Jeric noon kung saan nagkaroon sila ng anak, o ang legal na asawa ng aktor.

Pagpapakilala ng promising young actor: “Ako po si Sean Raval. Hindi na rin naman po ako bago sa showbiz dahil nakagawa na rin po ako ng teleserye sa ABS-CBN.

Nakasama po ako sa Since I Found You nina Piolo Pascual, JC de Vera at Arci Munoz. 18 years old na po ako at nag-aaral pa rin po.”

Aniya pa, sana raw ay muli siyang mapanood sa telebisyon.

Samantala, kasabay ng launching ng pitong promising talents ay

nasa mediacon din si former Senator Gringo Honasan para naman ipromote ang biofilm niyang ipo-produce ng  Borracho Film, ang “The Life Story of a Senator.”

Hindi sinagot ng dating senador kung ang gaganap ba sa kanya bilang Gringo Honasan ay si Jake Cuenca.

Ang alam daw niya ay nasa movie ang dati niyang kasamahan noon na si Juan Ponce Enrile.