Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
NILINAW ni Micaela Raz na walang sibling rivalry sa kanila ng kanyang mga kapatid na sina Angela Morena at Stephanie Raz.
Katunayan, todo raw ang support system nila sa isa’t isa lalo pa’t Iisa lang ang kanilang manager: ang kanilang titang si Lara Morena.
Speaking of Micaela, muli na naman siyang mapapanood sa pelikulang “Red Flag” na palabas na sa Vivamax simula sa Abril 26.
Ani Micaela, nakaka-relate raw siya sa tema at titulo ng pelikula dahil minsan na rin siyang nakatagpo ng maling lalake.
Hirit pa niya, red flag daw sa kanya ang mga lalakeng hindi marunong rumespeto ng mga kababaihan at maging sa kanilang mga magulang.
“Red flag po sa akin kapag di marunong rumespeto sa mga babae at sa kanilang magulang,” ani Micaela.
Dagdag pa niya, sa mga pelikulang ginagawa raw niya ay naranasan na rin niyang manyakin ng mga lalakeng kanyang naka-eksena.
“May instances naman po na mararamdaman mo kapag nagte-take advantage na. Sa case ko, dalawang beses pong nangyari. Ako naman po, ang iniisip ko lang sabi ko, sana matapos na ito. Minsan naman po kapag napapansin po ng director na parang totohanan na, siya na po ang nagpapatigil at sinasabihan iyong co-actor ko,” aniya.
Kaya naman naging learning experience na raw ito sa kanya.
“Ako inuunahan ko na sila. Sinasabi ko po sa director o kaya’y sa production para aware po sila sa limitations ko…sa restrictions ko para na rin po respect po sa isa’t isa in the same way na tinatanong ko rin po sila,” paliwanag niya.
“Iyong iba po kasi, hirap mong mameke pagdating sa mga eksena kaya minsan natatamaan ang di po dapat tamaan,” dugtong niya.
Sa movie, ginagampanan ni Micaela ang papel ni Gina, isang car sales agent na nakipagrelasyon sa babaerong si Red sa kabila ng babala ng mga kaibigan.
Mula sa direksyon ni Lakambini Morales, tampok din sa pelikula sina Mon Mendoza, Joana David at Mhack Morales.