Advertisers

Advertisers

Lovi hiwalay na sa dayuhang mister

0 73

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

BALIK na naman sa LDR (long distance relationship) ang relasyon nina Lovi Poe at Monty Blencowe matapos na bumalik ito ng Pinas.

Nasa Pilipinas ngayon si Lovi para sa mga natanguang commitments.



Inamin nito na hiwalay na naman sila ng mister na si Monty kaya balik LDR ang relasyon nila.

Hanga si Lovi sa mister dahil never ito kumontra sa type na work ng aktres.



Knows nito ang uri ng work ni Lovi kaya very supportive ito sa misis.

Sa pag alala ni Lovi nung mag-spend ito ng Christmas season with Monty ay parang nakaramdam ito ng  pagbabalik Pinas para sa work.



Mabuti na nga lang daw at very understanding ang mister kahit pabalik-balik ito ng Pinas at Amerika.

Mami-miss nga raw ni Lovi ang mister na this coming May ay nagpaplanong pumunta ng Pinas para dalawin ang misis.

At dahil high tech ay tuloy pa rin ang kanilang komunikasyon tru video call kahit hiwalay na muna.

***

Korona ni Marian Rivera bilang Reyna ng GMA-7 di maaagaw ni Vice Ganda

MULA sa netizens, nang umere na sa GMA-7 ang It’s Showtime, may nagsabi na pinalitan na raw ni Vice Ganda si Marian Rivera sa pagiging Reyna ng Kapuso network.

Isa sa umalma sa pagbansag kay Vice na siya na ang Reyna ay ang veteran columnist vlogger na si Cristy Fermin.

Ayon kay Cristy paglilinaw lang daw na malabo at di puwede na maging Reyna si Vice dahil ito ay lalake.

Malabo rin daw tawaging King si Vice dahil ang may hawak nito ay si Dingdong Dantes.

Paglilinaw pa ni Cristy na ang programang Showtime anya ay di ipinalabas sa sarili nilang network dahil di ito binigyan ng prangkisa.

Collaboration daw ang nangyari kaya naipalabas ang kanilang show sa GMA.

Well, well, well…’Yun na!