Advertisers
Ni BETH GELENA
MAY heartfelt message si Judy Ann Santos para sa kaibigang si Angelica Panganiban at sa hubby nitong si Gregg Homan.
Muling ikinasal sina Angge at Gregg nitong April 18 na ginanap sa Siargao.
Maraming kaibigang celebrities ang dumalo sa kanyang wedding event.
Unang nagpakasal sina Angge at Gregg sa US kung saan andun din ang kanyang beshies na sina Kim Chiu at Bela Padilla.
Shinare ni Juday ang larawan nina Angge at Gregg.
Ang caption ng teleserye queen, “Napakasarap nyong pagmasdan… napakasaya ko para sayo my sweet baby sister.. mahal na mahal kita.”
Maraming naantig na netizens sa caption ni Juday.
***
ANDI EMOSYONAL NA TINANGGAP ANG HONORARY DISTINCTION AWARD NG INA NA SI JACLYN JOSE
NALULUHANG tinanggap ni Andi Eigenmann ang award ng namayapang ina na si Jaclyn Jose.
Ani Andi, “ihehelera ko ‘to sa kanyang mahigit 50 na tropeyo.”
Emosyonal si Andi nang tanggapin ang award na para sa kanyang ina.
Aniya, masakit para sa kanya na siya ang tumatanggap at hindi ang ina mismo.
Naniniwala siya na nakangiti ngayon si Jaclyn na nakatanaw mula sa langit.
Hindi niya napigilang tumulo ang luha nang tanggapin ang Honorary Distinction Award mula sa Parangal ng Sining para sa yumaong ina.
Sa video na naibahagi ay kapansin-pansing naluluha at nanginginig ang boses ni Andi habang nagbibigay mensahe patungkol sa ina.
“Para sa aking nanay na si Jaclyn Jose, masaya po akong tumatayo dito para tanggapin ang parangal na ito para sa kanya. Maraming salamat po sa Film Development Council of the Philippines sa pagbigay ng parangal na ito, sa aking nanay na si Jaclyn Jose.”
“Ako po ay pinagpala na lumaki sa mga kamay ng isang napakagaling na aktres, na ibinigay ang buong buhay, ang buong puso, ang buong kaluluwa niya sa paglikha ng mga pelikula at sa pag-arte.”
***
SEANELLE LABTIM ITATAPAT NG BORRACHO FILM PRODUCTION SA DONBELLE
IBINIDA ni Atty. Ferdie Topacio ang kanyang bagong talents na sina
Jesy Vidal, Elle Fernandez, Stella Blanca at Sean Raval sa National Press Club, kamakailan.
Sila ang isasabak ni Atorni Ferdie sa bio pic movie ni dating Senador Gringo Honasan.
Nang tanungin namin ang mga young artists kung ano ang kanilang role sa nasabing movie?
Ang gino-groom na loveteam na SeanElle (Sean at Elle), “hindi pa po namin alam,” sabay na sagot ng dalawang promising loveteam.
Kaya kung may DonBelle (Donny Pangilinan at Belle Mariano) ang ABS-CBN, may SeanElle naman ang Borracho Productions ni Atty. Topacio.
Hindi na rin baguhan sa showbiz ang dalawa dahil pareho na silang nakagawa ng teleserye.
Si Elle ay nagmula sa talent agency ni Bambi Fuentes, samantalang ayon naman kay Sean matagal na siyang nasa showbiz bago pa magpandemic.
Kaliwa’t kanan nga raw ang kanyang proyekto noon.
Kinuha siya bilang young JC de Vera sa Since I Found You with Piolo. Pascual at Arci Munoz.
Natanong namin ang young actor, kung papano makisama si Papa P sa kanyang mga katrabaho.
Ani Sean: “Napakabait po niya. Nakikipag-usap sa mga kasamahan sa set kapag hindi siya nakasalang. Marespeto po siya sa kanyang kapwa artista kaya nakikita ko po na maraming nagmamahal sa kanya,” ani Sean.
Ilang beses na rin daw siyang nakagawa ng Magpakailanman with Lotlot de Leon at Mon Confiado.
“Marami na rin po akong nagawang mga drama, pero hindi ko pa po ginagamit ang family name ko noon.
Then nang magkaroon po ng pandemic parang nawalan na po akong ganang mag-artista, yung tinatamad na po ako lalo pa at nag-aaral na uli ako.”
“Ngayon ko na lang po ginamit ang family name na Raval nang bumalik na po akong umarte.
Sa NPC ay nagpaunlak ang mga alaga ni Atorni ng kanilang talent sa pagkanta.
Ang nakatutuwa sa mga ito kahit hindi pa sanay na humarap sa maraming tao ay hindi nila pinakikitang nahihiya sila.
Sadyang tinuruan sila ng Team ni Atorni kung paano makikitungo sa mga tao.
Back to SeanElle labtim, mukhang hindi malayong magkainlaban ang dalawang ito.
Natanong namin si Sean kung may tendency bang ligawan niya in real life si Elle? Aniya, “opo.”
Ano ang nagustuhan mo sa kanya?
“Ang ugali po niya at marespeto siyang tao.”
Ayon naman sa Team ni Atorni, ang SeanElle ang ipantatapat nila sa DonBelle.
Sabagay, may K naman ang dalawa, ang kailangan lang ay ipush nang husto ang kanilang loveteam.