Advertisers

Advertisers

Cebu runners dominado ang 2024 National MILO Marathon… LAPIZ AT ABELLA, HARI AT REYNA NG 42K MANILA

0 18

Advertisers

NAGMISTULANG alon ng kulay luntiang karagatan ang ruta ng karera na nilahukan ng higit sa 20,000 fun at competition runners mula sa mga kabataan, magkakatropa, magkakaklase, magkakasekta, magpapamilya at magkakaribal sa tunggaliang tampok ang karipasan ng mga batikang footracers sa Kamaynilaan at iba’t-ibang lalawigan.

Magandang panahon bagama’t may alinsangan ang Linggo ng umaga kahapon ay masayang tumugon sa starting gun ang pulutong ng run enthusiasts na senyales ng tunay na pagbabalik na ng aksiyon at sigla ng bayang karerista sa kalsada kung kaya wala nang bakas na iniwan ang perwisyong pandemya kundi magandang bukas ng pag-asa sa larangan ang hatid ng 2024 National MILO Marathon Manila leg sa SM Mall of Asia Grounds, Pasay City.

Muling sumiklab ang paligsahan ng mga long distance runners sa 42k-20k at 10k ,5k at 3k( kids).



Dinomina ng Cebuano runners mula Team Spectrum ang male at female division ng 42k upang tanghaling hari at reyna ng NMM Manila leg sina Florendo Lapiz at Lizane Abella ayon sa pagkakasunod.

Sadyang iginuhit ng tadhana ang tagumpay ni Lapiz dahil nakamit niya ang pangarap sa kabila ng sakripisyong hirap na pinatatag ng sampalataya sa Diyos at sarili matapos ang maraming kabiguang palaging anino lang siya ng mga naghahari noon hanggang natengga ng pandemya pero sa wakas ay nakamit niya ngayon at nahablot na ang mailap na tagumpay sa patakbo ng prestihiyosong MILO ng Nestle Philippines.



Ang 33-anyos na pride ng Carcar,Cebu ay isinumite ang kanyang champion time na 2:42:53 na kahit di niya nabasag ang personal best na 3:12 ay labis ang kanyang tuwa dahil dito ay kwalipikado na siya sa Milo Marathon National Finals na lalarga sa unang pagkakataon sa Cagayan de Oro sa Mindanao sa huling bahagi ng taon.

“Maganda ang setup,okey ang ruta,kahit maalinsangan ay nakapag-adjust din ako sa karera”,buong galak na tinuran ni Lapis sa panayam. “Salamat sa MILO at sa malaking papremyo na nagpabalik sa estado ng kumpetisyon at kalidad at ng pangarap namin”,aniya pa na ipandaragdag sa pagpagawa ng kanilang bahay ,ibibili ng bagong sapatos at kagamitang pang-marathon at mayroong para sa kanyang mahal na inay ang natanggap na taginting na premyong salapi mula sa MILO.



Ilalaan naman ng bagong reynang Cebuana na si Abella ang kanyang napanalunan sa mga pangangailangan ng tatlong anak na pawang musmos at ang dalawa ay nag-aaral pa.

“ Mabuti na lang po at nakabalik na sa aksiyon ang MILO kaya balik din po ang aming wish na mamayagpag bawat patakbo na lagi naming aabangan”,sambit ni Abella na qualified din para sa national finals sa CdO na tiyak na mas matindi ang laban sa presensiya ng mga miyembro ng national running team.

“Overall ay bumalik na ang sigla ng marathon, rekord na rin ang higit 20,000 na kumarera sa Manila leg na bahagi na selebrasyon ng Milo @ 60 ‘Let’s Bring Out the Champion in every Filipino,” pahayag ni MILO Sports Executive Carlo Sampan na nagpasalamat sa pakikiisa ng Dep Ed,Philippine Sports Commission, MMDA, LGU, medics , kabataan, adults at senior citizens na nakiisa sa tagumpay ng kaganapang pang-sports , camaraderie at pang-pamilya. (Danny Simon)