Advertisers
Inako ng teroristang New People’s Army ang responsibilidad sa pagpapatay sa isang empleyado ng isang tourist resort sa isang ambush nitong April 21, 2024, sa Purok Dug-anon, Barangay Oringao sa bayan ng Kabankalan, Negros Occidental.
Patay sa mga tama ng bala ang 43-anyos na si Myra Belando, sakay ng kanyang motorsiklo patungo sana sa kanyang trabaho sa isang tourist resort sa naturang bayan, ng tambangan ng mga teroristang NPA.
Sinabi ng South Central Negros Guerrilla Front, na isinagawa ang pagpaslang kay Belando dahil isa itong informer ng Philippine Army at ng Philippine National Police na agad at maigting namang pinabulaanan, sinabing malaking kasinungalingan ng mga local officials at mga community elders sa naturang bayan.
Kilala ang NPA sa mga pagpatay ng walang kalaban-labang mga tao upang manakot at mapilitang magbigay ng “revolutionary tax” ang mga residente ng lugar kung saan mayroon itong mga nakakalat na mga terroristang miyembro.