Advertisers

Advertisers

Temperatura sa Maynila all-time high, tinunaw ang 1915 record!

0 15

Advertisers

ALL-TIME HIGH ang naranasang init sa Metro Manila na umabot sa 38.8 degrees Celsius nitong Sabado, Abril 27.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAG-ASA), tinalo nito ang huling naitalang all-time high hot temperature sa Metro Manila na 38.6ºC na naitala noong 1915.

Nitong Linggo, ang heat index sa Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City ay 44°C, sinabi ng weather bureau.



Samantala, sa Science Garden sa Quezon City, maaaring umabot sa 43°C ang heat index ngayong araw.

Ang heat index ay ang sukatan ng temperatura na nararamdaman ng isang tao na taliwas sa aktwal na temperatura ng hangin. Ito ay kinakalkula sa pamamagitan ng pagsasaliksik sa halumigmig at temperatura ng hangin.



Samantala, nananaig ang easterlies sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa nitong Linggo, sabi ng PAGASA.

Ayon pa sa PAGASA, posibleng magkaroon ng heat cramps at heat exhaustion sa mga lugar na nakakaranas ng danger level heat index, mula 42 hanggang 51°C. Posible rin ang heat stroke sa patuloy na pagkakalantad.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">