Advertisers

Advertisers

RAVS RAVS RAVS!

0 12

Advertisers

Sagisag siya ng Pinoy na mahilig sa sports at tapat na lingkod-bayan.

Naglaro ng chess, baseball at basketball mula kanyang kabataan. Nanonood din ng iba’t ibang game. Bukod sa tatlong nabanggit ay nasaksihan niya ang mga laban ng softball, sa Rizal Memorial Complex sa Vito Cruz sa Maynila.

Tubong Mauban, sa Quezon, lumaki sa Pasig at nanirahan sa Makati hanggang kanyang huling sandali.



Produkto ng San Beda College kaya madalas yan present sa mga laro ng Red Lions.

Regular pa siyang nagbabasketball hanggang 59 años sa gym ng St Scholastica College kung saan siya nagturo.



Pangarap niya maging sportswriter na natupad naman.

Nagkaroon ng sports column sa isang dyaryo kung saan malimit na naisusulat niya ang pagpupugay sa mga sikat na atletang kababayan.



Mahusay siya magkwento sa ingles at sa sariling wika kaya kinagigiliwan ang pitak niya. Pati salitang barbero at pang-kanto ay isinisingit niya upang bigyan diin ang nais ipahayag.

Ilang beses sinabi ng ama ni UAAP Executive Director Rebo na ang boksing ay manly art of modified murdee dahil may namamatay pagkatapos ng isang ring match.

Pati si Manny Pacquiao pinayuhan niyang magretiro na at magpokus na lang bilang senator.

Apogado siya ng mga api, at. mahihirap.

Itinatag niya ang samahang MABINI para ipagtanggol ang mga mamamayang nilabag ang kanilang karapatang pantao. Madalas pro bono o abonado pa sa mga kaso.

Nilabanan ang diktadurya at kinulong g pa ni Macoy.

Napilit tumakbong senator pero nang magwagi ay nagserbisyo ng buong husay at katapatan.

Yan si Rene Aigusto Verceluz Saguisag.

Saludo tayo sa masugid na sports fan at magiting na Pilipino.

***

Walang sweep sa ikalawang taon ang Nuggets sa Lakers.

Kung noong 2023 ay winalis ng Denver sa conference finals sina LeBron James ay hindi naganap ngayon nang matalo sina Nikola Jokic sa Game 4.

Sa kasaysayan ng NBA wala pang nagwagi ng serye mula sa 0-3 na kartada.

Tingnan natin kung mauna diyan sina AD at LBJ kapag makatatlong straight sila ng W.

Mas maganda yang istorya para sa media.

Parang pasyenteng biglang bumangon mula sa ICU at naglakad agad. Dramatic! Milagro!

***

Hindi kailangan may kita ang PBA upang manatiling buhay.

Advertising at PR budget ng bawa’t prangkisa ang bumubuhay sa liga.

Ang gusto ng mga koponan ay exposure sa media para sa kanilang mga produkto at serbisyo.

Ang pangunahing kita ay mula naman sa commercial placement sa TV coverage. Sumunod diyan ang gate receipts.

Kung may sobra matapos tanggalin ang gastos ay mas maigi.

Kaso kung wala nanonood sa mga venue at mababa pa tv ratings ay walang nais maglahay ng anunsyo sa kanila. Malamang abonado na ngayon ang PBA

Hanggang kailan nila ito kayang i-maintain?