Advertisers

Advertisers

Anthony trip maidirek ng tiyuhing si Ricky Davao

0 57

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

TIYUHIN ng fitness instructor-turned- Vivamax sexy actor na si Anthony Davao si Ricky Davao na kapatid ng ama niyang si Charlon Davao na dating child star.

Kaya sa tanong namin kay Anthony kung okay sa kanya na maging direktor niya sa isang proyekto ang tiyuhin niyang si Ricky…



“Oo naman,”  nakangiting wika ni Anthony.

“I’m looking forward to that, sana makatrabaho ko siya. “Ewan ko pero sobrang saya nun, madami akong natututunan sa kanya, for sure, for sure!”



Regular na direktor si Ricky sa mga teleserye sa GMA tulad ng Second Chances, Little Nanay, Sinungaling Mong Puso, Legally Blind, Nagbabagang Luha, The Seed Of Love at maraming episodes ng Magpakailanman.

Tungkol pa rin kay Anthony, bilang isang Vivamax sexy actor, hindi lang paghuhubad ang layunin niya.



“Siyempre naka-focus din tayo ngayon sa acting skills, not only the sexy scenes and all.  Gusto ko rin siyempre ma-showcase yung acting talaga kasi the sexy scene is there, you can do it, alam mo yun?

“Pero yung acting talaga is doon mo maipapakita kung talagang actor ka o hindi, it’s just not being a sexy actor but the acting itself, ayun,” saad pa ni Anthony na first lead role ang Lady Guard na available na for streaming sa VMX ng Vivamax nitong May 3, 2024.

Kasama niya rito sina Angela Morena at Irish Tan sa direksyon ni Bobby Bonifacio, Jr.

***

BAGO sa kamalayan ng mga Pinoy ang sunblock na iniinom, sanay tayo sa ipinapahid sa balat, kaya sa palagay ni Vice Ganda na endorser nito, ano ang magiging pagtanggap ng publiko sa oral sunblock tulad ng L’Anna ng Luxe Skin?

“Mga Filipinos naman kasi very ano sila e, very flexible, very adaptable, especially now, yung Gen Z, they keep up with the time, di ba?

“Hindi na nahuhuli yung mga mamimiling Pilipino ngayon, especially because of social media, sobrang aware yung mga tao sa mga nangyayari, sa mga issues sa kapaligiran.

“Ang health ngayon malaking bagay sa kanila, ang wellness malaking bagay sa mga tao, kaya di ba ang dami din na nagsusulputang produkto na nagbibigay ng… yung sinasagot yung mga pangangailangan ng mga Pilipino sa wellness, kaya yung mga Pilipino hindi na ‘to magiging mahirap para sa kanila, na nakasanayan nila kasi ganun na yung mga Pilipino ngayon.

“Nagsisimula na silang… especially after the pandemic, yung health scare nating lahat, di ba, now after the pandemic we are making sure na malusog tayo, na kung saka-sakaling magkakaroon man ng anumang banta sa kalusugan natin or healthcare, hindi tayo mapaparalisa  or matataranta o mapupunta sa isang sitwasyon na hindi tayo handa.

“So, yung mga ganitong products feeling ko hindi mahihirapan ang mga Pilipino na nakasanayan at gawing bahagi ng kanilang lifestyle.”

Si Vice rin ang endorser ng Luxe Skin Beauty Talks Booster C + C na skincare supplement ng female businesswoman na si Anna Magkawas.