Advertisers

Advertisers

Maagang pagboto at mall voting sa 2025 election target isagawa ng Comelec

0 33

Advertisers

PLANO ng Commission on Elections (Comelec) na magsagawa ng maagng pagboto at mall voting sa 2025 midterm elections para maprotektahan ang mga botante mula sa nakakapasong init ng panahon.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia, target ng poll body na isagawa ang early voting mula 5am hanggang 7am para sa mga senior citizen, buntis at persons with disabilities subalit optional naman ito.

Ipinaliwang ni Garcia na ang plano ng komisyon para sa early voting ay para mabigyan ng opsyon ang vulnerable sector na makaboto ng maayos at hindi na makipagsiksikanpa sa maraming bilang ng regular voters.



Target din ng poll body na payagan ang mall voting sa halalan sa susunod na taon dahil may air-conditioning ang mga mall.

Samantala, sinabi naman ni Comelec spokesman John Rex Laudiangco na hindi na papalawigin pa ang voter registration period ng lapas sa Setyembre 30 dahil kailangan na ng Comelec na magpatuloy sa iba pang paghahanda nito.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">