Advertisers

Advertisers

‘Sex scandal’ ng high ranking official

0 6,018

Advertisers

PINAGPIPEYESTAHAN ngayon ng mga marites sa loob ng malaking departamento ng isang ahensiya ng pamahalaan ang pagtatalik sa pagitan ng isang lalaking mataas na opisyal at isang lalaking ordinaryong empleyado (rank and file employee). Sa madaling salita, pareho silang bading.

Nagkakilala raw sina opisyal at RFE sa isang dating app, at sa mga unang swipe palang ay nag-matched agad sila ni Sir.

Alam daw ni RFE na isang boss sa government ito, pero hindi batid ng opisyal na nagtatrabaho din doon ang kawani kaya siguro nag-go ito para sa isang meet-up.



Humantong ang lahat sa loob ng isang hotel, at nang nagpilian na sila ng role sa pag-se-sex o kung sino ang top or bottom, pinili raw ni Sir na siya ang bottom. Araguy!!!

Sa ngayon, katakot-takot na kahihiyan ang inaabot ni Sir dahil putok na putok sa buong government agency ang kanyang eskandalo. Papaano pa niya magagampanan ang kanyang tungkulin at trabaho kung wala nang respeto at pinagtatawanan na siya ng mga tao sa ahensiya? Tsk tsk tsk…

Ang mga clue sa kung sino si opisyal ay: mahilig itong mamigay ng mga GC as in gift certificate, at bagay ang pagpili niya ng sex position sa kanyang aktwal na posisyon sa government agency, parehong under. Hahaha…

Simula palang ang pagbubulgar na ito tungkol kay Sir, at marami pang ibang pasabog tungkol sa kanya. Abangan!!!

***



Posibleng makakasama ni dating Pangulo Rody Duterte sina dating PNP Chiefs Oscar Albayalde at senador ngayon Ronald “Bato” dela Rosa sa unang set ng maiisyuhan ng arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) sa kinakaharap nilang kasong ‘Crimes against humanity’ kaugnay ng iniimbestigahang ‘war on drugs’ na pinatupad nila noong termino ni Duterte, sabi ni Atty. Kristina Conti.

Say ni Conti, ang ICC Assistant Counsel, si Dela Rosa ay posibleng makasama sa arrest warrant dahil pinirmahan niya ang memorandum para sa war on drugs program ni Duterte, at si Albayalde ay siyang successor ni Dela Rosa. Aaguy!!!

Sa panayam kay Conti ng ‘Sa Totoo Lang’ sa One PH, sinabi ni Conti na ang tatlo ay binanggit sa priliminary examination sa unang isinampang complaint sa mga napatay sa drug war.

Posible raw na ang warrants ay unang iisyu laban sa pinaka-most responsible o silang may kakayahayan para ipatupad ang mga pagpatay, sabi ng abogada.

Sinabi pa ni Conti, ang ICC investigation ay aabot hanggang sa police officers na nasa “middle level” hierrarchy ng PNP.

Ang warrants ay una raw na iisyu laban sa tatlo para hindi makatakas ang mga ito habang iniimbestigahan ang krimen para at hindi na makagawa pa ulit ng krimen.

Nauna nang inanunsyo ni dating Senador Antonio Trillanes, ang mortal na kritiko ni Duterte, na posible sa buwan ng Hunyo o Hulyo lalabas ang ICC warrants laban kina Duterte.

Wala pang pahayag ang kampo ni Duterte ukol dito, pero si Senador Dela Rosa ay nagngangalit na laban kay Trillanes lalo nang ibunyag ng huli na kumikilos ang Senador para Patalsikin si Pangulong “Bomgbong” Marcos Jr. bilang huling paraan nila ni Duterte na hindi maaresto ng ICC.

Pinag-iisipan naman ni PBBM ang muling pagsali sa ICC, sabi ng Department of Justrice.

Ang Pilipinas ay ikinalas ni Duterte sa ICC nang simulang imbestigahan ng international court ang mga pagpatay kaugnay ng war on drugs. Subaybayan!!!