Advertisers

Advertisers

Creamline kampeon sa 2024 All-Filipino crown

0 11

Advertisers

NAKAMIT ng Creamline Cool Smashers ang kanilang ika-walong Premier Volleyball League (PVL) title.

Sinarado ng Creamline ang 2024 All-Filipino Conference sa Mothers Day sa pamamagitan ng pagdispatsa sa Choco Mucho Flying Titans, 20-25,25-20,22-25,25-22,15-11, sa Game 2 ng kanilang Finals series sa Araneta Colesium sa Quezon City.

Ang four-peat champion ay pinamunuan ni Finals MVP Jema Galanza na nagtapos ng 20 points.



“Yung laro kasi, nilaro namin. Hindi lang isa yung naglalaro or isa lang yung gumagawa, team kami nag laro kaya nakuha namin tong game na ‘to,” Wika nya sa post-game presser.

“Alam naman namin na hindi madali, na hindi nila ibibgay agad-agad samin ‘to kaya umabot talaga ng five sets. Alam naman natin kung gaano rin talaga lumalaban yung Choco Mucho so kami, ano lang, naniwala lang din kami sa isa’t isa Gusto lang talaga namin makuha itong game na to,” Patuloy nya.



Bumida rin sa kanilang panalo sina Bernadeth Pons, na umiskor ng 17 points, Tots Carlos’16 points, at Pangs Panaga 13, habang si Kyle Negrito ay mahalaga rin sa kanilang tagumpay na naglatag ng 23 sa Creamline’s 26 excellent receptions.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">