Advertisers

Advertisers

Food stamp program aarangkada na nationwide sa Hulyo

0 9

Advertisers

MAGSISIMULA na sa Hulyo ang full implementation ng “Walang Gutom 2027: Food Stamp Program” ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ito ay kasunod ng 6 na buwang pilot implementation ng programa noong Disyembre.

Sinabi ni DSWD Usec. Eduardo Punay, pagkatapos ng pilot roll-out ngayong Mayo, magsasagawa sila ng review at assessment sa Hunyo.



Nag-hire rin ang ahensya ng nasa 1,000 validators upang i-validate ang 300,000 benepisyaryo ng food stamp program mula sa 21 probinsya sa bansa na tinukoy bilang priority areas.

Sa ilalim ng programa, makatatanggap ang benepisyaro ng P3,000 halaga ng monthly food credits na maaaring gamitin pambili ng pagkain mula sa DSWD-accredited local retailers.



Dapat na “food-poor” family o kumikita lamang ng P8,000 kada buwan ang benepisyaryo ng programa.

Target ng DSWD na magkaroon ng isang milyong benipisyaryo ang programa pagsapit ng 2027.



Ang food stamp program ay flagship program ng administrasyong Marcos na layong tugunan ang problema sa gutom.