Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
MARAMI ang nagulantang sa balitang ikinasal na ang dating Goin’ Bulilit star na si Nash Aguas sa long time girlfriend nitong si Mika dela Cruz.
Hirit ng netizens, sa edad na 25 ay napakabata pa raw ng actor turned politician para sumabak sa pag-aasawa.
Marami namang well wishers na bumati sa pag-iisang dibdib ng dalawa.
Sa post ni Mica sa kanyang IG account, binati rin siya ng kapwa celebrities na sina Alessandra de Rossi, Carla Abellana, Joshua Garcia, Gabbi Garcia, Jerome Ponce, Angelika Dela Cruz, Shaira Diaz, Charo Santos-Concio, Jasmine Curtis, Eula Valdes, Rodjun Cruz, Dianne Medina, Elisse Joson, Jameson Blake at marami pang iba.
Makahulugan din ang kanyang mensahe na: “Walking towards my God-sent, my love, my forever.” #NASHakanyanasiMIKA.
May mga kate-katera namang nagmamarites na nakapansin ng malusog na pangangatawan ng aktres kaya nagsuspetsa ang mga itong may laman na umano ang sinapupunan ng aktres.
Ito ang ilan sa kanilang reaksyon.
“I think nagpakasal sila kasi buntis, parang wla naman ata proposal si Nash skanya?”
“Idk pero parang preggy ung bride?”
“tingin ko nga.”