Advertisers

Advertisers

Yulo naghari sa Asian Championships

0 54

Advertisers

NANGIBABAW ang Filipino gymnast Carlos Yulo laban sa continental counterparts ng arestuhin ang apat na gintong medalya sa nagtapos na 11th Senior Men’s Artistic Gymnastics Asian Championship sa Tashkent, Uzbekistan.

Pinaalala sa lahat na Asia ang kanyang playground, Naaresto ni Yulo ang individual all-around at floor exercise pati na rin ang vault at parallel bars apparatuse sa tournament nagsimula Mayo 16-19.

Sinimulan ni Yulo, ang kampanya ng sungkitin ang kanyang kauna-unahang gold sa individual all-around sa kabouang 84.931 points noong Mayo 17.



Ang 24-year-old ay nalagpasan ang kanyang silver medal finishes sa 2022 at 2023 editions ng tournament na ginanap sa Qatar at Singapore, ayon sa pagkakasunod.

Kazakhstan’s Milad Karimi nagtapos second kay Yulo na may 84.632 points habang ang home bet Abdullah Azimov lumapag sa third na may 82.431.



Pagkatapos ng breakthrough individual all-around gold, kunumpleto ni Yulo ang three-peat sa floor exercise, vault at parallel bars.

Yulo ay umiskor ng 14.933 points sa Mayo 18 at muli nyang nalagpasan si Karimi sa event kung saan siya ang lumutang na 2019 world champion.
Sinukbit ni karimi ang silver medal sa naipon na 14.600 points habang si Yang Yanshi ng China nagkasya sa bronze na may 14.200.



Patuloy ang pamamayagpag ni Yulo sa final day ng kumpetisyon noong Mayo 19 ng pagharian ang vault at parallel bars para sa pangatlong sunod-sunod na taon.